Pinatayuan ng mag-asawang Robin at Mariel ng apartment ang kanilang mga kasambahay at para sa pamilya ng mga ito

Masarap sa pakiramdam sa buhay ang makatulong sa ibang tao lalo na kung ang mga ito ay matagal mo nang kasama sa buhay.


Image courtesy: Mariel Padilla/Youtube

Tulad na lamang ng mag asawang Robin at Mariel Padilla na pinagawan mismo ng sariling apartment ang kanilang mga kasamabahay kasama ang kanilang mga pamilya.


Image courtesy: Mariel Padilla/Youtube


Image courtesy: Mariel Padilla/Youtube

Ito ay naibahagi ng aktres na si Mariel sa kanyang Vlog sa Youtube. Saad ng aktres ay ito ang kanilang regalo sa kanilang mga kasambahay dahil sa ito umano ang kanilang hiling at deserve naman nila ito.


Image courtesy: Mariel Padilla/Youtube


Image courtesy: Mariel Padilla/Youtube

Nagsisilbing pasasalamat ito ng mag-asawa sa walang sawang pagtulong sa kanila ng mga kasamabahay. Dagdag pa ng aktres sa kanyang Vlog na nagsimula nila ito planuhin mag-asawa noong nagkaroon ng pandemya dahil napagtanto nila na sobra ang sakripisyo ng kanilang mga kasama sa bahay dahil nawalan sila ng pagkakataon na makauwi sa kanilang sariling bahay.


Image courtesy: Mariel Padilla/Youtube


Image courtesy: Mariel Padilla/Youtube

Kung kaya hindi nagdalawang-isip ang mag-asawa bigyan ng gantimpala ang kanilang mga staff at ito na nga ang apartment. Isa din sa mga dahilan ng pagbigay nila ay upang hindi na umano malayo ang kanilang mga staff sa kani- kanilang pamilya.


Image courtesy: Mariel Padilla/Youtube

Si idol Robin mismo ang nagpasimuno ng plano matapos ang pandemya at ito ay matatagpuan mismo sa Museo Padilla compound. Naawa si Robin sa kanyang mga staff noong pandemya dahil nagkaroon umano ng patakaran na bawal lumabas ang kahit sino man na kasama nila sa bahay. Naging dahilan ito upang malayo sila sa kanilang mga pamilya ng mahabang panahon.


Image courtesy: Mariel Padilla/Instagram

Lubos na pasasalamat ang natanggap ng mag-asawa sa kanilang mga staff sa bahay dahil isang malaking regalo ito para sa kanila. Madami din sa mga netizens ang naantig sa ginawa ng mag asawang Robin at Mariel. Kilala naman natin na si Idol Robin ay isang matulungin na tao at talagang makamasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *