Connect with us

Business

Panganay na Anak ni Dimples Romana na si Callie, Pinasok na rin ang Pagnenegosyo ng mga Rattan Bags

Proud mama ngayon ang aktres na si Dimples Romana, sa kanyang panganay na anak na si Amanda “Callie” Ahmee. Ito ay dahil sa edad na 17-taong gulang ng kanyang anak na dalaga ay naisipan na nitong pasukin ang pagnenegosyo.




Ang negosyo ngang ito ni Callie, ay tinawag niyang “Cal the Brand”, kung saan ay mga preium rattan bags ang mga unang koleksyon na kanyang ibenenta dito.

Makikita nga sa Instagram ni Callie na @calthebrand noong araw ng Linggo, ika-20 ng Disyembre, ang naging pagbabahagi ng dalaga, ng mga unang produkto na ini-released ng kanyang negosyo, at ito nga ay mga handwoven premium rattan bags.

Samantala, ibinahagi naman ng dalaga, ang naging dahilan niya, kung bakit napili niya na mga lokal na produkto tulad ng rattan bags, ang makikitang ibenebenta niya sa kanyang negosyo.

“I wanted to expand the market that was already there and elevate the iniative of some people to support local and bring more awareness to them and to their products”, saad ni Callie, sa isang virtual conference na ginanap rin raw na nag-released siya ng mga rattan bags sa kanyang negosyo.

Maliban pa rito, ay ibinahagi rin ng dalaga, na marami pa siyang nais patunayan at ipakita sa publiko, kung bakit maganda at de kalidad ang mga lokal na rattan bag, at kung bakit kinakailangan tangkilikin natin ang mga produktong ito.

Idenetalye din ni Callie, kung ano ang kanyang naging inspirasyon, upang simulant ang negosyo niyang ito.

“My idea for bags was to reinvent those abaca bags that people would always sell. They were circular, right? [They were] hand bags or sling bags or really big totes. And I just wanted to make a collection that’s very versatile and perfect for any occasion that there’ll be.”




Dagdag pa nga ng dalaga, marami sa atin, ay ang tingin lamang sa mga rattan bags, ay mga beach occasion lamang. At ito nga ang nais niya baguhin, dahil sa nakikita ni Callie, ay maari ring maging sopistikada ang isang rattan bag na maaring magamit sa mga dinner party, depende sa magiging ideya ng disenyo nito.

Saad pa nga ng dalagang anak ni Dimples Romana, ay marami pa siyang nais na ma-explore na product, lalo na kapag ang negosyo niya ay unti-unti ng nakilala ng mga tao, lalo na ang mga mamimili.

“The future collections, which of course aren’t limited to fashion items only, I’m also exploring home items, furniture, novelties, and hopefully, I’ll go into art soon”, pahayag pa ni Callie.

Si Amanda “Callie” Ahmee ay ang panganay na anak ng mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee. Maliban pa sa naturang dalaga, ay mayroon ring anak na binatilyo ang mag-asawa, at ito nga ay anak nila na pinangalanan nilang si Alonzo.




error: Content is protected !!