“Pabili ka utak ngayong 12.12 sale” Luis Manzano, Hindi Nakapagtimping Sagutin ang Netizen na Nagkomento sa Post ng Kanyang Girlfriend na si Jessy Mendiola Kung Paano ito Nakabili ng Mamahaling Relo

Hindi na nga nakapagtimpi pa ang TV host na si Luis Manzano na sagutin ang isang netizen na nagkomento sa post ng kanyang long time girlfriend na si Jessy Mendiola kung paano nakabili ang aktres ng isang sikat na luxury watch.

Nito lamang ika-4 ng Disyembre nang maganap ang pagtatanggol ni Luis sa kanyang girlfriend laban sa isang netizen. Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ni Jessy ang kanyang larawan na kuha sa masaya nilang bakasyon ni Luis sa isla ng Amanpulo upang ipagdiwang ang kaarawan ng aktres noong Disyembre 3.




Sa nasabing larawan, masisilayan ang napakagandang mukha ng aktres na mamula-mula dahil sa pagbibilad sa araw. Makikita naman na sapo ng ilang daliri ni Jessy ang kanyang sentido habang nakatingin sa harap ng camera.

Nilakipan ng aktres, ang nasabing larawan ng caption na:

“Kissed by Mr. Sun. [shining sun emoji]”

Ngunit, hindi inaasahan na isang netizen ang aagaw ng atensyon ng aktres dahil sa komento nito. Maliban kasi sa magandang mukha ng aktres, ay napansin rin ng netizen ang suot-suot na luxury wristwatch ni Jessy.

Ang komento nito ay patungkol sa Patek Philippe Nautilus na ang tinutukoy ang brand ng mamahaling relo na ilan lamang ang maaaring magmay-ari dahil sa sobrang mahal ng halaga nito na umaabot ng PHP1.8 million hanggang PHP9 million. Hindi rin basta-basta ang paggawa nito dahil sa isang relo lamang ay umaabot ng siyam na buwan hanggang dalawang taon bago matapos.

Kaya naman, nagulat ang isang netizen at napakomento sa post ni Jessy kung pano nakabili ang aktres ng nasabing mamahaling brand ng relo.

“How can she afford a Patek?”, komento ng netizen sa post ni Jessy.

Nang mapansin naman ni Jessy ang komento nito, ay hindi naman nagdalawang isip na sagutin ito ng aktres sa isa ring patanong na sagot.

“um… because I work hard and save a lot? Lol”,sagot naman ni Jessy.

Ngunit, hindi lamang atensyon ni Jessy ang napukaw ng netizen kundi maging ang atensyon ng nobyo nitong si Luis Manzano. Bagama’t, sinagot na ni Jessy ang komento, ay senigundahan pa ito ni Luis. Ayon nga sa TV host, nakabili umano ng mamahaling brand ng relo si Jessy, dahil sa pagsusumikap nito sa trabaho at tamang pag-iipon.




“work and save till you can buy and enjoy what you want in life no matter what they may be.”

Dagdag pa ni Luis, ay simple lamang ang paliwanag ni Jessy ngunit kung hindi pa nito makuha ang punto, ay maaari umano itong bumili ng utak sa 12.12 sale na ang tinutukoy ay ang Christmas sale sa online shopping website ngayong parating na December 12.

“Napaka bobo mo naman if di mo gets yun, pabili ka utak ngayong 12.12 sale…work and save para ma afford mo rin ang brain.”

Agad namang sumagot ang netizen at sinabi:

“bakit ka defensive? Nagtatanong lang ah?”

Ngunit, sa halip na sagotin ay inulit na lamang ni Luis ang kanyang pang-iinsulto sa netizen na suhestiyon na:

“12.12, add to cart – brain”

Samantala, isang netizen naman ang kumampi sa magkasintahan, ay sinabi na:

“sampalin niyo ng taxi yan at gasoline station kuya ehehehe,”

Ang tinutukoy nito ay ang pagmamay-aring mga negosyo ni Luis. Tila iniiisip ng nasabing netizen na binili ni Luis ang luxury watch para kay Jessy.

Paglilinaw naman ni Luis, ay mali ang inaakala nito. Ipinaliwanag nga ng TV host, na kapag may nais sa buhay ay kinakailangang pagsumikapan ito upang makuha.

“basta may trip ka sa buhay, kesyo simple o hindi… pagtratrabahuhan mo yun at pagiipunan… :)”

source: pep.ph