Isa na ngang tatak-Harvard ang matagumpay na negosyante at madiskarteng misis na si Neri Naig-Miranda. Labis-labis ang saya at kaligayahang nadarama ni Neri dahil matapos ang halos apat na buwang pagsisikap at mga gabing walang tulog, ay natapos na niya ang Entrepreneurship Essentials, isang Online Program sa Harvard Business School.
Photo credits: Neri Naig | Instagram
At kamakailan nga ay proud na ibinahagi ng misis ni Chito Miranda, ang tagumpay na nakamit sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan makikitang hawak ni Neri ang sertipikong nagpapatunay na siya nga ay matagumpay na nakapagtapos.
Ayon sa post ni Neri, ay sulit ang lahat ng kanyang pagpupuyat. Saad pa nito, ay wag tumigil na matuto sa mga bagay. Malaking bagay rin na kapag may gusto ay gagawa ng paraan upang maisakatuparan ito.
“Sulit lahat ng puyat! Never stop learning. Kapag gusto, gagawa talaga tayo ng paraan.”
Photo credits: Neri Naig | Instagram
At dahil nga sa paggawa ng paraan ni Neri na sinamahan niya ng pagsisikap, ang lahat ng ito ay nagbunga. Bagamat, abala sa maraming bagay ay sinikap pa rin ni Neri na paglaanan ng oras ang kanyang pag-aaral upang tuparin ang kanyang pangarap.
Sa nasabing post rin ay ibinahagi ni Neri ang isang qoute mula sa sinabi ng Chief Executive Officer ng Alumnify na si AJ Agrawal upang magsilbing inspirasyon at kapulutan ng aral lalo na ng mga tulad niya ina ng tahanan na nagsusumikap magtrabaho para sa pamilya.
“The best entrepreneurs in the world don’t act like they know everything. They all understand the fact that they have to continuously learn to be successful.”
“When we are looking to learn as much as possible, there’s less of a chance that we will come off as arrogant. True charmers don’t make themselves look smart, they make others look smart.”
Photo credits: Neri Naig | Instagram
Matatandaan na noong buwan ng Agosto nang ibahagi ni Neri ang kanyang pag-eenroll sa online program ng Harvard at kumuha ng Entrepreneurship Essentials upang mas lalo pa niyang mapalago ang kanyang kakayahan at kaalaman bilang isang negosyante.
Isa na namang bagay ang pinatunayan ng wais at madiskarteng misis na si Neri. Ito nga ay huwag tumigil sa paghahanap ng paraan upang mas mapalago pa ang sariling kaalaman at kakayahan. Isang bagay na makakamit lamang sa pamamagitan ng pagsisikap at huwag pagsuko na maisakatuparan ang pangarap.