Ang kilala ngayon ng publiko bilang wais at madiskarteng misis na si Neri Naig ay unang nasilayan nang maging kalahok sa talent search na Star Circle Quest. Magmula noon ay nakilala na siya sa mundo ng showbiz kung saan ay nagkaroon siya ng ilang proyekto.
Samantala, habang nasa showbiz, ay nakilala naman ni Neri ang taong magbibigay saya at kulay sa buhay niya, ito nga ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. Ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa pag-iisang dibdib, kung saan ay dalawang beses na pinakasalan ni Chito si Neri noong Disyembre 2014. Isang civil wedding noong Disyembre 13, at isa namang garden wedding noong Disyembre 14 na ginanap sa Tagaytay.
At matapos lamang ang ilang taon ay biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang napakacute at malusog na baby boy. Noong ika-23 ng Nobyembre taong 2016, ay isinilang ni Neri ang panganay na anak nila ni Chito na pinangalanan nilang Miguel Alfonso o kilala rin sa tawag na Miggy.
Tila kaybilis naman ng paglipas ng panahon at kamakailan lamang nang ipagdiwang ng mag-asawa ang ika-4th birthday ni Miggy.
Photo credits: Neri Miranda | Youtube
Ang masayang kaganapan sa naganap na birthday celebration ni Miggy ay ibinahagi ni Neri sa pamamagitan ng isang maikling video. Makikita sa video na ang kaarawan ni Miggy ay dinaluhan lamang ng mga tauhan at kasama sa bahay nina Neri. Ang naturang okasyon naman ay ginanap sa Miranda’s Rest house na may napakagandang dekorasyon, na kung saan ay may temang Call of Duty.
Photo credits: Neri Miranda | Youtube
Photo credits: Neri Miranda | Youtube
Photo credits: Neri Miranda | Youtube
Photo credits: Neri Miranda | Youtube
Photo credits: Neri Miranda | Youtube
Hindi naman maitago ang saya sa mukha ng anak nina Neri na si Miggy nang makita kung gaano kaganda at kasaya ang kanyang birthday party.
Sa Instagram naman ipinaabot ni Neri ang kanyang pagbati para sa kaarawan ng kanyang anak na si Miggy.
“Happy 4th birthday, my forever baby! Thank you at napakabait mong anak at talagang masunurin sa amin ni Daddy Chito. Mahal na mahal ka namin, Miggy!”
Photo credits: Neri Miranda | Youtube
Photo credits: Neri Miranda | Youtube
Binigyang-diin naman ni Neri na limitado lamang ang mga taong dumalo sa nasabing okasyon. Dahil na rin nga sa pandemya, ay mas minabuti ni Neri na wag mag-imbita ng maraming bisita bilang pagsunod sa safety protocols.
“Disclaimer: kami kami lang yan at angels namin sa bahay ang kasamang nagcelebrate ng 4th birthday party ni Miggy.”