Napakapogi na ng dating childstar na si Zaijan Jaranilla at mayroon na rin itong girlfriend

Parang kailan lamang, at sadyang napakabilis talaga ng paglipas ng panahon, dahil ang batang kinagiliwan natin noon na si Santino o Zaijan Jaranilla sa totoong buhay, ay binata na ngayon at may nobya na.


Image courtesy: Zaijan Jaranilla/Instagram

Naging usap-usapan sa social media ang dating child star na si Zaijan Jaranilla, matapos nitong ipakilala sa publiko ang kanyang napakagandang non-showbiz girlfriend.

Image courtesy: Zaijan Jaranilla/Instagram

Si Zaijan Jaranilla, ay isa sa pinakagigiliwan na child star noon, lalo na nang gumanap siya bilang si Santino sa religious-themed television series na “May Bukas Pa”, na inere noon ng Kapamilya network.


Image courtesy: Zaijan Jaranilla/Instagram

Marami sa mga manunuod ang talagang napa-ibig sa batang aktor, dahil sa kanyang napakahusay na pag-arte. Mas minahal pa nga siya ng marami dahil sa kanyang mala-angelic face, na talaga namang napa-kyut at maamo kung iyong titingnan.


Image courtesy: Zaijan Jaranilla/Instagram

Matatandaan na isa ang “May Bukas pa”, sa pinaka-aabangang serye noong taong 2009-2010. Dahil nga sa kanyang angking galing at husay sa pag-arte ay marami pang mga serye at oportunidad ang inalok sa batang aktor. Napabilang rin siya sa programang “Goin’ Bulilit”, kung saan ay marami sa mga batang artista noon ang kanyang nakasama.


Image courtesy: Zaijan Jaranilla/Instagram

Tunay nga naman na mabilis lumipas ang panahon, at hindi natin ito namamalayan. Dahil parang kailan lamang ay batang-bata pa at kyut na kyut pa si Zaijan sa ating paningin habang pinapanood natin siya sa telebisyon, ngunit ngayon ay binata na ito at talaga namang taglay ang angking kapogian at karisma.


Image courtesy: Zaijan Jaranilla/Instagram

Sa nalalapit na ika-23 ng Agosto ay ipagdiriwang nga ni Zaijan Jaranilla, ang kanyang ika-19 taong kaarawan, kaya naman talagang masasabi natin na siya ay isa ng binata.
Makikita naman sa social media account ni Zaijan, na ito ay may nobya na, na isang non-showbiz na dalaga.


Image courtesy: Zaijan Jaranilla/Instagram

At sa isang naging panayam sa binata sa “Tonight with Boy Abunda” ni Tito Boy Abunda, ay buong pagmamalaki nitong inamin na siya ay may nobya na at masaya ang relasyon nilang dalawa.


Image courtesy: Zaijan Jaranilla/Instagram

Kamakailan lamang din ng magdiwang ang magkasintahan ng kanilang anibersaryo, kung saan matamis na mensahe para sa minamahal niyang nobya na kalakip ang mga larawan nila, ang makikita sa social media ni Zaijan.


Image courtesy: Zaijan Jaranilla/Instagram

Isa nga si Zaijan Jarailla sa mga child star noon na hanggang ngayon kahit siya’y isa ng binata ay hindi pa rin nagbabago ang angking karisma na taglay niya sa pagpapa-ibig sa mga manunuod, kaya naman hiling ng kanyang mga tagahanga ay muling masilayan ang kanilang idolo sa telebisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *