Nakapukaw ng pansin ang kagandahan ng anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice na isang ganap na dalaga na ngayon

Parang kailan lamang, at sadyang napakabilis nga naman talaga ng panahon. Dahil ang musmos na bata pa lang noon na bunsong anak ni Ruffa Gutierrez, ay isa ng dalaga ngayon.
Naging agaw-pansin ngayon sa mga social media user ang anak ni Ruffa Gutierrez, na si Venice Bektas.


Image courtesy: Venice Bektas/Instagram

Si Venice ay ang bunso sa dalawang anak na babae ni Ruffa. At ngayon nga ay maraming mga netizens ang nakakapansin na habang nagdadalaga si Venice ay mas nagiging kahawig niya ang kanyang ina noong kabataan nito.

Trending ngayon online ang mga larawan ng 15-anyos na anak ni Ruffa na si Venice, ito ay matapos maging usap-usapan online ang mga larawan ng dalaga kung saan ay makikita nga ang malaking pagkakaghawig niya sa ina niyang si Ruffa.


Image courtesy: Venice Bektas/Instagram

Batay sa ilang mga opinyon ng mga netizens, nakikita nila sa dalagang anak ng “Love Thy Woman” star ang mukha ni Ruffa, lalo na noong kabataan pa lamang nito.
Matatandaan na unang nakilala si Ruffa Gutierrez sa variety show na “That’s Entertainment”.


Image courtesy: Venice Bektas/Instagram

Si Venice Gutierrez o Venica Loran – Bektas ay ipinanganak noong ika-11 ng Sityembre taong 2004, sa Cedars-Sinai Hospital sa Los Angeles, California. Siya ay ang pangalawa at bunso sa mga naging anak ni Ruffa sa kanyang dating asawang isang businessman mula sa Turkey, na si Yilmaz Bektas.


Image courtesy: Venice Bektas/Instagram

Para umano kay Ruffa ay sana manatiling mga bata ang kanyang mga anak, dahil sa talagang hindi niya namamalayan na ang mabilis na paglaki at pagdadalaga ng mga ito.
“My youngest is growing up so fast! @venicebektas. Stay little.”, aniya ni Ruffa.


Image courtesy: Venice Bektas/Instagram

Nito nga lamang ika-3 ng Agosto ay nagdiwang ng kaarawan ang panganay na anak ni Ruffa na si Lorin. At upang batiin ang kanyang panganay na dalagang anak, ay nagbahagi ng aktres ng mensahe para rito sa kanyang Instagram account.


Image courtesy: Venice Bektas/Instagram

“To my beautiful firstborn, Lorin. Here’s wishing you a birthday that is as beautiful, incredible, and unique as you are. Always stay focused, study hard, and don’t accept suitors yet. LOL. I love you to the moon and back,” ito nga ang mensahe ng pagbati ni Ruffa sa kanyang anak.


Image courtesy: Venice Bektas/Instagram

Kung ating matatandaan, ang aktres na si Ruffa Gutierrez ay nakipaghiwalay sa kanyang asawang si Yilmaz noong taong 2007, kung saan ay mahigit tatlong taon lamang mula nang sila ay magpakasal.


Image courtesy: Venice Bektas/Instagram

Makikita naman sa mga larawan ni Venice Bektas, na tulad ng kanyang ina ay taglay rin nito ang kagandahan na namana niya mula sa mga angkan ng mga Gutierrez. At kung atin ngang papansinin ay talaga namang malaki ang naging pagkakahawig niya kay Ruffa noong kabataan nito.


Image courtesy: Venice Bektas/Instagram

Sadya nga namang napakabilis ng panahon, hindi natin namamalayan, na ang mga batang-bata pa noon na mga anak ni Ruffa Gutierrez ay mga dalaga na ngayon at talaga namang nag-gagandahan na tulad ng kanilang ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *