Kasabihan nga ng madaming mga Pilipino na kapag may itinanim may aanihin at kapag may tiyaga may nilaga. Isa lamang ito sa mga kasabihan na kung saan maraming mga Pilipino ang pinanghahawakan ito upang maabot nila ang kanilang mga pangarap at makamit nila ang gusto nilang gawin sa buhay.
Image courtesy: Aubrey Miles/Instagram
Tulad na lamang ng artista na si Aubrey Miles na dahil sa kanyang kasipagan at tiyaga ay nakabili umano ito ng lote sa pamamagitan ng pagbebenta nito ng mga halaman.
Image courtesy: Aubrey Miles/Instagram
Hindi lamang basta-bastang plantita ang naturang aktres kundi isa din itong business minded na tao dahil ang kanyang pampalipas oras ay naging isang daan upang pagkakitaan ng pera.
Image courtesy: Aubrey Miles/Instagram
Marami sa mga netizens ang humanga at nakarelate sa nagawa na ito ni Aubrey dahil ika nga nila na hindi basta-basta ang mag-alaga at magpalaki ng isang halaman.
Image courtesy: Aubrey Miles/Instagram
Saad nga niya sa kanyang post sa social media na para bang hindi din siya makapaniwala na ang naging dahilan kung bakit nakapag pundar ng sarili niyang lupain ay ang kanyang paghahalaman.
Image courtesy: Aubrey Miles/Instagram
Kasama ng post na ito ang isang larawan na magkakasama silang buong pamilyang nakatayo sa isang lupain na ngayon ay kanilang pagmamay-ari na.
Image courtesy: Aubrey Miles/Instagram
Saad din niya na hangga’t merong pagtiya-tiyaga at sipag sa buhay, samahan pa ng may pagmamahal sa iyong mga ginagawa o trabaho ay walang imposible sa mga bagay na gusto mong makamit sa buhay.
Image courtesy: Aubrey Miles/Instagram
Para din kay Aubrey ay isa ito sa mga napakalaking investment sa buhay niya at pagpapala na ibinigay sa kanya sa taon na ito sa kabila ng nararanasan ng bansa ngayon. Tinuturing din niyang napakagandang regalo ito para sa kanyang pamilya ngayong paparating na pasko.
Image courtesy: Aubrey Miles/Instagram
Dagdag pa ng aktres na sana magkaroon ng magandang panimula ang lahat ng tao ngayong darating na taon at huwag mawalan ng pag-asa at magpatuloy lamang sa mga bagay na gustong gawin hanggang sa maabot ang minimithi at ninanais sa buhay.