Nakamit na ni Miss Sanya Lopez ang dati-rating pinapangarap lamang na Dream House

Tunay naman talaga na kung ikaw ay magsusumikap sa buhay, ay matutupad mo ang mga bagay na iyong pinapangarap.


Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Kagaya na lamang ng ating mga kilalang artista na, sa ilang taon nilang pagtatrabaho sa industriya ng showbiz, at pagtitiyaga sa pagod at puyat sa kanilang trabaho, ay marami na sa kanila ang talaga namang natupad na ang mga pangarap sa kanilang buhay.

Ilan sa kanila ay nakapagpundar na ng mga mamahaling sasakyan, ang iba naman ay mayroon ng negosyo, nakakapamasyal na sa iba’t ibang bansa, at may iba naman na naipagawa na ang kanilang pinapangarap na bahay.


Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Isa na ang Kapuso Aktres na si Sanya Lopez, sa mga artistang nagpatunay na “hard works pays off.” Ito ay matapos ibahagi ng aktres ang kanyang “dream house” na bunga ng kanyang pagiging isang aktres sa showbiz.


Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Sa kanyang Instagram account, ay ipinasilip nga ng aktres ang kanyang napakaganda at modernong “dream house”, kung saan ayon sa kanya ay matagal na talaga niya itong pinangarap na makamtan.


Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Matatandaan na noong Nobyembre 2019, ay ibinahagi rin ng Kapuso aktres ang ginawala nila noon na house hunting, kung saan ay kasama niya ang kanyang kapatid na si Jak Roberto.

Nang mga sandaling yun, ay kitang kita nga naman sa magkapatid kung gaano sila kapursigido sa paghahanap ng kanilang magiging tahanan, nagawa rin nilang mamili ng mga kagamitan tulad ng mga appliances para magamit nila sa kanilang bagong bahay.


Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Noon ay inamin ng aktres, na nais na niyang makamtan ang kanyang pangarap na “dream house”, at isang taon nga ang lumipas ay masaya ng ibinahagi ni Sanya na sa wakas, ay nakamit na niya ang pinapangarap niya.


Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Makikita sa Instagram ni Sanya, ang larawan niya na kuha sa kanyang magiging bagong tahanan nang bisitahin ito ng aktres.
Dito rin umano nagdiwang ng kanyang kaarawan si Sanya noong ika-9 ng Agosto.


Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Kung titingnan ang larawan ng bagong tahanan ni Sanya Lopez, ay makikita ang pagiging moderno ng disenyo nito, at halos ang buong kabahayan ay napapalibutan ng mga glass door at window.


Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Marami naman sa mga tagahanga ng aktres, ang natuwa para sa pangarap nito na kanyang natupad na.
Congratulations, Sanya! God bless your new home.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *