Nakakatuwa ang pagsayaw ni Miss Kris Aquino sa kalsada para sa pag-endorso ng isang kompanya

Ika nga, hindi naman basehan ang edad kung ano ang gusto mong gawin sa buhay. Ang mahalaga nagbibigay ito ng saya sa sarili mo at sa ibang tao.

At ito ay pinatunayan ng nag-iisang Queen of All Media na si Kris Aquino. Kamakailan lamang ay ginulat ni Kris ang mga netizens matapos nitong ibahagi ang isang video na makikitaang siya ay sumasayaw para sa isang pag-endorso.

Dahil dito ay naisiwalat na si Kris Aquino ang pinakabagong tagasuporta ng Singaporean e-commerce platform, Shopee. Ayon kay Kris, hindi niya aakalain na magagawa niyang sumayaw sa kalye ngunit naging inspirasyon niya ang Shopee na gawin ito.

Makikita sa video si Kris na nakasuot ng orange na jumpsuit at nakaface mask habang sumasayaw Shopee’s jingle at bakas sa kanyang mukha ang saya habang sumasayaw ito.

Sa mga bagay na nagagawa natin ay mayroong mga taong gumagabay at tumutulong sa atin para magawa natin ng maayos ang ating nais gawin. Kaya naman, pinasalamatan ni Kris Aquino ang nagturo sa kanya sumayaw at ito ay walang iba kundi si Ray Manglo.

Maliban dito ay humingi rin ng paumanhin si Kris Aquino dahil sa hindi niya nagampanan ang pag-host sa Live Stream at Quiz ng Shoppe sa kadahilanang naka-iskedyul siyang isailalim sa stroboscopy. Ang nasabing video ay nagbigay din ng samu’t-saring positibong mga reaksyon at komento mula sa mga netizen sa social media.

Ang tunay na pangalan ni Kris Aquino ay Kristina Bernadette Cojuangco Aquino, siya ay nakilala at binansagan bilang Queen of All Media sa kadahilanan na madalas siya maitampok sa iba’t ibang programa sa telebisyon.

Isa siya sa mga kapatid na babae ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ang bunsong anak ng yumaong mga pulitiko na sina Cory Aquino at Ninoy Aquino.

Sa ngayon ay masaya ang buhay ni Kris Aquino bilang isang single parent sa dalawa niyang lalaking anak na sina Joshua at James Carlos “Bimby” Aquino Yap, Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *