Nakakahanga ang mga taong sobra magpahalaga sa kanilang mga mahal sa buhay lalo na sa kanilang Lolo at Lola. Tipong gagawin nila ang lahat upang mapasaya lamang sila, dahil sila din mismo ang dahilan kung bakit ka nandito sa mundong ito.
Image courtesy: Xian Lim/Instagram
Tulad na lamang ng napaka guwapo at hunk na aktor na si Xian Lim na nagpasya umano magpalagay ng elevator sa kanyang tahanan sa kadahilanan ayaw niya makitang nahihirapan ang kanyang lola sa pag-akyat nito sa kanilang tahanan. Hindi lang gwapo at hunk si Xian Lim kundi isa ding mapagmahal at sweet na tao lalo na pagdating sa kanyang mga mahal sa buhay.
Image courtesy: Xian Lim/Instagram
Siguro hindi maalis sa isip natin kung bakit nga ba nagawang bumaba pa ng lola ni Xian kung nahihirapan rin naman ito umakyat. Ang sagot dito ay dahil meron umano itong koleskyon ng mga cross stitch na gusto lagi bisitahin ng kanyang lola na nakalagay sa baba ng kanilang bahay saad ng aktor.
Image courtesy: Xian Lim/Instagram
Matapos ang paghihintay ng aktor ay masaya niyang ibinahagi na sa wakas tapos na ito. Hindi din mapigilan ni Xian na mamangha sa elevator sa loob ng kanilang bahay at ito din naman ay para sa ikakabuti ng kanyang mahal na lola.
Image courtesy: Xian Lim/Instagram
Pagbabahagi ng aktor sa kanyang social media account na itong bagay na ito ay napagpasiyahan niya nang makasama niya ang kanyang lolo at lola sa loob ng tatlong buwan dahil sa pandemya at doon umano niya napagtanto ang kahalagahan ng family bonding.
Image courtesy: Xian Lim/Instagram
Sa loob ng tatlong buwan na iyon, nasaksihan niya ang hirap na ginagawa ng kanyang lola kahit na pigilan umano ng aktor ay ayaw magpaawat sa pag akyat at pagbaba.
Image courtesy: Xian Lim/Instagram
Kung kaya makalipas din ng mga ilang buwan saad ng aktor ay nagpasya umano ito na magpakabit ng elevator at hindi naman niya ito pinagsisihan dahil sa ganda nito.
Image courtesy: Xian Lim/Instagram
Image courtesy: Xian Lim/Instagram
Makalaunan matapos ang kanyang anunsyo sa pagpapalagay ng elevator ng aktor ay nag upload din umano ito ng video patungkol naman sa unang reaksyon ng kanyang lola sa pagsakay nito sa elevator.