Madami sa atin ang tumataya sa lotto, ito ay dahil sa kapag nga naman ikaw ang pinalad na manalo, ang maliit na halagang itinaya mo ay limpak na limpak na salapi naman ang magiging panalo na ibabalik sayo.
Ngunit hindi nga naman maiiwasan, na kapag ang isang tao ay nanalo ng limpak na salapi sa isang laro tulad ng lotto, ay maraming mga kakilala o kamag-anak ang agad-agad na hihingi ng balato. Kaya naman maaring ito ang maging dahilan upang ang limpak na salapi na iyong napanalunan, ay agad ding mabawasan at maubos.
Hindi rin maaiwasan na kapag nalaman ng mga taong malalapit sayo na ikaw ay nagwagi ng malaking halaga, ay may pagkakataon na baka abusuhin ka pa ng mga ito.
Ang pagtatago na ikaw ay nanalo ng malaking halaga, ay hindi sa pagiging madamot, ngunit pag-iingat lamang sa mga mapang-abuso.
Ngunit kinakailangan pa rin naman na sa simpleng paraan kung ikaw ay pinagpalang magkaroon ng malaking halaga, ay magbahagi ka rin sa mga kapamilya o kaibigan kahit papaano, pero ito’y huwag lang din sobra kung saan ikaw ay pwedeng maabuso na dahil mas mainam pa rin na may matira para sa sarili at sa iyong pamilya.
Katulad na lamang nga ng isang mamamayan mula sa Jamaica na nagwagi ng 158.4 Miliion Jamaica Dollars o katumbas ay P53,030,907 sa Pilipinas, kung saan ay isang matalinong paraan ang kanyang naisip upang sa kanyang naging pagwawagi ng malaking halagang ito ay hindi agad siya makilala ng mga tao.
Ayon sa naging paglalahad, hindi agad kinuha ng nasabing tao, ang kanyang premyo ng siya ay magwagi. Pinalimpas niya muna umano ang 54-araw, bago niya kinuha ang premyo, ito ay upang hindi rin makahalata ang kanyang mga kamag-anak o kaibigan na siya ay makakakuha ng napakalaking halaga.
Samantala, ang matalino ngang pamamaraan na ginawa ng taong ito mula sa Jamaica na nagwagi ng milyong halaga, ay ang pagsusuot ng puting tela na may “scream” na maskara pa sa kanyang mukha nang siya ay magtungo sa ahensya kung saan niya kukunin ang perang kanyang napanalunan.
Hindi rin inilantad sa publiko ang pangalan ng taong ito, at siya’y kinilala lamang bilang si A. Campbell, ito ay upang pag-iingat na rin sa kaligtasan niya dahil sa malaki ngang halaga ang kanyang napanalunan.
Ayon naman kay A. Campbell may rason siya kung bakit hindi siya nagpakilala at hindi niya inilantad ang kanyang mukha. Ito nga ay dahil sa ayaw niyang ipamahagi ang kanyang napanalunan sa mga sakim niyang kamag-anak.
“Normally, I would write down the numbers from the draw, eat and then go and check my numbers.”
“I looked at my ticket and ran into my bathroom and said: I won! I won!”“I want to get a nice house. I haven’t found it yet, but I’ll looking for one soon. I like to handle money. I don’t beg, I don’t borrow.”
“So, I’m looking things that can turn over the money. I have a little business, so I plan to make it bigger, buy an apartment. I love to have money.”
Ayon nga sa naging pahayag ng taong ito sa Jamaica na nagwagi ng malaking halaga ng pera, ay maraming siyang paglalaanan sa perang kanyang napanalunan, at ang pinakamahalaga sa mga ito, ay ang mas lalo pang palaguin ito sa pmamagitan ng pagpapalaki ng kanyang nasimulan ng negosyo at pagpapatayo ng apartment na karaggdagang negosyo niya muli.