Nagbigay ng mensahe si Marvin Agustin para kay Jolina Magdangal para sa kanilang ika-23 na anibersaryo bilang loveteam

Napakaraming sikat ngayong mga love teams sa mundo ng showbusiness ngunit may iilan na hindi talaga natin malilimutan lalo na at tumatak na sa ating mga puso ang naibigay nilang kilig para sa atin.


Image courtesy: Marvin Agustin/Instagram

Tulad na lamang ng tambalang Jolina at Marvin Agustin na marami sa ating mga batang 90’s ang pinakilig at binigyan ng inspirasyon ng love team na ito.

Mula sa mga pelikula at teleserye na pinagbidahan nina Marvin at Jolina, hindi talaga mapipigilan ang napakagandang chemistry sa dalawa kung kaya ganoon na lang katibay ang suporta ng kanilang mga fans simula noon magpasa hanggang ngayon.


Image courtesy: Marvin Agustin/Instagram

Dalawampu’t tatlong taon na ang nakalilipas mula nang sila ay naging isang mag-love team, nagbigay ng mensahe ang aktor na si Marvin Agustin para sa katambal nito na si Jolina na may kasamang throwback picture sa IG account nito.


Image courtesy: Jolina Magdangal/Instagram

Ito ang eksaktong pahayag ng aktor, “Thanks labtim for 23 years of beautiful memories! Patamisin pa natin sa mga susunod natin projects at ating pagkakaibigan!”

“Take exactly 23 years ago! Happy anniversary to our loveteam labtim.”


Image courtesy: Jolina Magdangal/Instagram

Ang litrato na ibinahagi ni Marvin ay naglalaman ng kanilang mga batang hitsura at bakas na bakas sa kanilang mga ngiti ang kasiyahan.

Sa kabila nito, mayroon namang reply si Jolina sa post ng katambal na si Marvin, ito ang pahayag ng aktres: “HAHAHAHAHAHAHHA!!!! Naalala ko ito!!!! Ittim ang sand”


Image courtesy: Jolina Magdangal/Instagram

Napakatagal na rin ng pinagsamahan ng Marvin-Jolina love team kung kaya’t napakaraming umaasa na sila’y masilayan muli at makitang magkasama sa iisang proyekto.

Sa kadahilanang ngayon nga ay panahon ng pandemya, walang kasiguraduhan ang pagkakaroon ng mga proyekto ngunit sinigurado ni Marvin sa mga fans na patuloy pa rin silang masisilayan sa mga IG Live.


Image courtesy: Jolina Magdangal/Instagram

Ang dalawa sa ngayon ay nananatiling matalik na magkaibigan. Napakarami na rin nilang pinagdaanan bilang magkaibigan. Hindi natin maitatanggi na malaki na ang naiambag ng Marvin-Jolina tandem sa ating buhay dahil isa sila ang nagbigay kilig at aral sa atin bilang kabataan noong 90’s.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *