Nagbakasyon sa Africa ang buong pamilya ni Scarlet Snow upang doon ipagdiwang ang kanilang bagong taon

Iba’t-ibang paraan ang bawat tao sa pagsalubong sa bagong taon at isa na dito ang pagpunta sa mga lugar na ninanais nila. Tulad na lamang ng mag asawang Vicki Belo at Hayden Kho kasama ang napakacute at napakabibo nilang anak na si Scarlet Snow. Nagawa ng pamilya na pumunta sa Africa upang doon ipagdiwang ang nalalapit ng bagong taon.


Image courtesy: Scarlet Snow/Instagram


Image courtesy: Scarlet Snow/Instagram

Matapos lamang nitong nagdaang pasko ay dali-dali na nagdesisyon ang mag-asawa na dalhin ang kanilang anak na si Scarlet Snow sa Africa upang dito magdiwang ng kanilang bagong taon.


Image courtesy: Scarlet Snow/Instagram


Image courtesy: Scarlet Snow/Instagram

Napag-alaman ito ng mga netizens na ang pamilya Kho ay nasa Africa dahil nagawang mag-upload umano ni Scarlet sa kanyang social media account ng litrato at video na nagpapakita nang napakagandang tanawin sa Masai Mara National Reserve sa Kenya.


Image courtesy: Scarlet Snow/Instagram


Image courtesy: Scarlet Snow/Instagram

Marami sa mga netizens na nakatunghay ang namangha at napa-sana all na lang sa out of the country experience ng chikiting. Saad ni Scarlet sa nasabing post nito sa kanyang social media na kahit malayo umano siya sa Pilipinas at kapiling niya ngayon ang mga nag-gagandahang hayop ay magagawa pa din umano nito makipag-usap sa kanyang mga tagasubaybay.


Image courtesy: Scarlet Snow/Instagram


Image courtesy: Vicki Belo/Instagram

Maliban sa post na ito ni Scarlet ay nag post din umano ang kanyang ina na si Vicki Belo ng isang Bidyo na nagpapakita na sila ay kumakain sa park mismo na kanilang pinuntahan. Sa labas mismo sila ng isang establisyemento kumain habang pinapanood ang mga nag-gagandahang mga zebra na palibot-libot lamang sa parke.


Image courtesy: Vicki Belo/Instagram


Image courtesy: Vicki Belo/Instagram

Mapapansin din sa bidyo ang sobrang saya ng pamilya habang kumakain at makikita si Scarlet sa tabi na tila excited sa mga nakikitang hayop. Hindi mapigilan ng mga netizens na matuwa sa napakacute na reaksyon ni Scarlet sa kanyang mga nakikita.
Marami din sa mga netizens ang naghatid ng mga positibong komento patungkol sa kaganapan na ito sa buhay ni Scarlet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *