Isang matinding pagsubok ang kinaharap ng pamilya ng broadcaster na si Anthony Taberna o kilala bilang si Ka Tunying. Ito nga ang pakikipaglaban ng kanilang anak na si Zoey sa sakit na leukemia o cancer sa dugo.
Nang malaman ng publiko ang pinagdaraanan ng pamilya ni Ka Tunying, ay bumuhos ang panalangin at positibong mensahe para kay Zoey mula sa mga kaibigan ng batikang komentarista sa industriya ng showbiz.
Marami rin ang nagpahayag ng paghanga sa ipinakitang katapangan ni Zoey na harapin at labanan ang kanyang sakit sa murang edad na 12 anyos. At ang sakit na nagpapahirap sa katawan ng bata, ay isang taon na nitong iniinda na nalaman nila noong Disyembre 2, 2019.
At kamakailan nga sa panayam sa pamilya Taberna noong nakaraang Linggo sa programa ni Jessica Soho na “Kapuso Mo, Jessica Soho”, ay ipinahayag rin ng misis ni Ka Tunying na si Rossel Taberna ang kanyang paghanga sa kanyang anak sa katapangan nitong harapin ang matinding pagsubok ng buhay.
Photo credits: Jessica Soho | Facebook
Ika-6 ng Disyembre nang makapanayam ni Jessica Soho ang mag-asawang Ka Tunying at Rossel, kasama na rin si Zoey. Sa panayam, ay hindi maitago ng mag-asawa ang kanilang emosyon sa hirap na kanilang pinagdaanan. Ngunit, sa kabila nito, ay nangingibabaw naman ang kanilang saya at pagiging positibo sapagkat medyo nakakabawi na ang katawan ni Zoey.
Photo credits: Jessica Soho | Facebook
Ang ina naman ni Zoey na si Mommy Rossel, ay ipinagmamalaki ang anak sa katapangang ipinapakita nito upang labanan ang sakit. Paglalahad nga ni Mommy Rossel, ay matapang umano ang naging desisyon ni Zoey na isapubliko ang karamdaman nito. Kaya naman, nang ipost ang pagpapakalbo ng anak, ay ganun na lamang ang pagkagulat at sa kabilang banda ay napuno ng paghanga ang pagtingin niya sa anak.
“Nagulat na lang ako na pinost talaga niya yung pagri-razor nung hair niya. Marami na rin kaming episodes in the past na talagang umiiyak siya, nadi-depress siya kaya po we’re proud na na-accept niya na po yun,”paglalahad ni Rossel.
Photo credits: Jessica Soho | Facebook
Samantala, ibinahagi naman ni Mommy Rossel, na nakaramdam siya ng guilt, sapagkat binalewala umano niya ang pagsakit ng tuhod ng anak, dahil akala niya ay epekto lamang ito ng paglaki ng bata.
Ipinaliwanag rin ni Rossel kung paano nila ipinagtapat sa kanilang anak ang sakit nito. Ayon nga rito, hindi raw nalaman agad ni Zoey na leukemia ang sakit nito, dahil ang sinasabi nila sa bata ay bone marrow disease. Ginawa umano nila ang bagay na ito upang huwag makaramdam ng takot si Zoey.
Ngunit, dumating rin ang araw upang ipagtapat na nila ang katotohanan kay Zoey. At nang malaman nga nito ay tunay na karamdaman, ay umiyak ito nang umiyak.
Pag-amin naman ng mag-asawa, ay nakaramdam sila ng takot nang makitang nahihirapan ang kanilang anak. Isang buwan silang namalagi sa hospital sa kasagsagan ng pandemya, at doon nila naranasan ang matinding hirap.
Dumating rin ang puntong halos buto’t balat na lamang si Zoey, dahil umano hindi makakain at puro yelo na lang ang kinakain nito.
Photo credits: Jessica Soho | Facebook
“Nagkaroon po siya ng singaw from outside the mouth hanggang throat, so hindi po siya nakakakain, puro yelo lang po. Talagang hindi na po namin siya makikilala, sobrang itim niya po. Natakot po talaga kami nung time na yun.”
Hinangaan naman ni Rossel ang kanyang asawa sa pagiging positibo nito, na nagbibigay sa kanilang pamilya ng lakas ng loob sa kinakaharap na matinding pagsubok sa buhay.
“Siya po yung Mr. Positive ng pamilya namin, na lagi niyang sinasabi na, ‘Pag may nangyari, tingnan mo kung ano yung positibo at dun ka mag-focus.’”
source: jessica soho