Minsan, naikumpara mo na ba ang sarili mo sa ibang tao? Sa mga nakakasalamuha mo? Sa mga napapanood at nakikita mo through social media?
Image courteys: Mimiyuuh/Instagram
Sa panahon ngayon, dahil sa nagagawa ng teknolohiya ay talaga namang laganap ang samut-saring mga kaganapang napapanuod at nakikita natin sa pamamagitan ng social media.
Image courteys: Mimiyuuh/Youtube
Marami sa mga kabataan ngayon ang madalas manood ng mga Vlog sa internet na kung saan nagkakaroon sila ng mga iniidolo o hinahangaan. Marami din sa kanila ang nakikipagsapalaran, mga nagiging matagumpay sa napili nilang career at ngayon isa na silang tinatawag na influencer sa kanilang mga tagasubaybay.
Maliban sa mga pampa-goodvibes na kanilang ibinabahagi sa mga manunuod ay nakakapagbigay din sila ng magagandang mensahe na talaga namang kapupulutan natin ng magandang leksyon at aral na maghahatid din sa atin sa tagumpay na ating minimithi.
Image courteys: Mimiyuuh/Youtube
Tulad na lamang ng isang kilalang youtube vlogger na si Mimiyuuuh na nagbigay ng payo sa kanyang mga tagasuportang kabataan na huwag maging pressured sa kanilang buhay.
Ang payo na ito ay mapapanuod sa isa sa mga Vlog niya na kung saan nag effort pa umano ito na mag suot ng dinosaur na costume upang aliwin ang kanyang mga manunuod.
Image courteys: Mimiyuuh/Instagram
Saad niya na huwag masyado mapressure sa buhay lalo na sa gusto nating makamit sa kasalukuyang edad natin. Huwag umano mainggit sa mga nakakamit ng iba. Sa halip ay gawin ito inspirasyon at maging daan upang makamit ang nais sa buhay.
Image courteys: Mimiyuuh/Instagram
Dagdag pa ng Vlogger na magpatuloy lamang umano tayo sa ating ginagawa at lubos na palaguin ang ating kaalaman sa bagay-bagay. Saad din ni Mimiyuuuh na lahat ng bagay na nangyayari at nararanasan natin sa ating buhay ay parte lamang ito ng ating pagtanda.
Image courteys: Mimiyuuh/Instagram
Kung sakali man na ang kakilala mo ay umunlad agad, huwag tayong maiingit dahil dadating din ang oras na makakamit din natin ang bagay na ating minimithi. Ika nga ng iba, pana-panahon lang yan. Kung hindi mo pa nakakamit ang nais mo sa buhay, ibig sabihin hindi pa ito ang time para sayo. Huwag mawalan ng pag-asa.
Image courteys: Mimiyuuh/Instagram
Dadating ang oras na lahat ng iyong sakripisyo at ipinundar sa iyong sarili ay mabibigyan ng magandang gantimpala sa dadating na panahon. Magpatuloy lamang at kung sakaling mapagod at madapa, ay huwag huminto sa halip ay bumangon at paunladin pa ang sarili.
Image courteys: Mimiyuuh/Instagram
Dagdag pa ng Vlogger na huwag ikumpara ang sarili sa iba dahil bawat isa sa atin ay may kanya kanyang angking talento at kakayahan at may oras na inilaan para sa atin. Huwag magmadali, at mainggit sa kapwa, gawing inspirasyon ang bawat isa.