Mga Sikat na Artista at Personalidad na Nagpatayo at Bumili ng Bahay sa Taong 2020

Wala nga namang makakapigil sa isang tao, basta ang pag-uusapan ay ang katuparan ng kanyang pangarap sa buhay. Lalo pa nga kung ito, ay iyong matutupad dahil sa iyong kasipagan at pagiging matiyaga.




Kaya naman kahit pa may krisis o p@ndemy@ na nararanasan tayong lahat sa ating mga buhay, ay hindi naman ito naging hadlang para sa iba, upang tuparin ang mga pangarap nila, tulad na lamang ng pagpapagawa ng kanilang sariling bahay.

Sa kabila nga ng p@ndemy@, ay ilang mga sikat na personalidad sa showbiz, ang pinagpatuloy pa rin ang kanilang pagpapatayo o pagbili ng kanilang pangarap na bahay. At ang mga ito nga ay ang gas ikat na artista, na sina;

Derek Ramsay

Hotel-like-home ang bagong bahay na ipinatayo ng aktor na si Derek Ramsay. At ang kabuuan nga ng napakaganda at napakalaking bahay niyang ito, ay ibinahagi niya pubiko, sa pamamagitan ng house tour vlog.

Sanya Lopez

Ibinahagi rin ng aktres na si Sanya Lopez, ang bahay na kanyang nabili at ipinagawa. Ayon sa aktres, ito ang katuparan ng kanyang pangarap, dahil noon ay sa maliit na apartment lamang siya nakatira.

Lloyd Cadena

Bago pa man pumanaw ang most influential Filipino Youtuber na si Lloyd Cadena, ay naipatayo niya muna ang bahay na kanyang pinapangarap para sa kanyang pamilya.

Mimiyuuh

Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, matapos ang ilang taong pag-iipon ng magsimula siyang sumikat sa social media, ay nakabili na si Mimiyuuh ng bahay, na handog niya para sa kanyang pamilya.




Ivana Alawi

Isa sa mga pangarap ng kanyang ina, ang tinupad ng actress-vlogger na si Ivana Alawi, at ito nga ay ang maipatayo ito ng bahay.

Rocco Nacino

4-storey house naman ang napakalaki at modernong bahay na ipinatayo ng aktor na si Rocco Nacino.

Buwan ng Pebrero 2020, ng unang ibahagi ng aktor ang bahay na kanyang ipinapagawa, kung saan ng mga panahong iyon, ay hindi pa ito gaanong natatapos.

Vice Ganda

“Industrial house” naman ang disenyo ng bagong bahay ni Unkabogable star na si Vice Ganda. At ito ay kanyang ipinakita sa kanyang Youtube channel noong buwan ng Oktubre 2020. Ang bahay ngang ito ng sikat na comedian-host-actor, ay talaga namang napakaganda, lalo na at mayroon itong, sarili spa area at elevated na swimming pool.

Kakai Bautista

Sa ilang taong pangungupahan ng pamilya, ngayong taon, ay natupad n ani Kakai Bautista ang pagkakaroon ng sariling bahay ng kanyang pamilya, at ito nga ay kanyang ipinasilip sa kanyang mga tagahanga.

Mccoy De Leon

Dalawang properties naman ang nabili ng aktor, ngayong 2020, at ito ay ang isang building, at isang lumang bahay, na matatagpuan sa Tondo.




Sharon Cuneta

Munting pasilip naman ang ginawa ni Mega star Sharon Cuneta, sa bagong bahay na kanyang ipinapagawa para sa kanilang pamilya. Kasabay nito, ay pinasalamatan din ng aktres, ang lahat ng kanyang mga masisipag na laborers at workers.