Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Mga Artistang may Pinakamaganda at Pinakamamahaling Engagement Ring

Sa industriya ng pelikula bukas sa publiko ang kanilang mga buhay. Mula sa mga relasyon bilang magkasintahan hanggang sa pag-aasawa ay inaabangan ito ng mga tao lalong lalo pa’t kung ito ay kanilang mga idolo. Isa sa mga pinag-uusapan ngayon ay ang pag-aasawa ng mga artista na may magaganda at mamahaling singsing na nagkakahalaga ng milyones.




Kilalanin ang mga artistang ito na may magaganda at may milyong halaga ang kanilang mga engagement ring.

1. Marian Rivera

Unang-una na dito si Marian Rivera na dalawang beses na engaged sa kanyang asawa na si Dingdong Dantes. Ang unang engagement ring ni Marian ay mayroong bigat na 2.13 carat emerald cut diamond at ang kaniyang ikalawang engagement ring ay may bigat na 2.48 carats.

2. Anne Curtis

Si Anne ay naengaged kay sa kanyang asawang si Erwan Huessaff noong 2016 ng sila ay nasa USA. Binigyan ni Erwan si Anne ng engagement ring na may round brilliant cut diamond na may prong setting on a platinum band na napaka simple pero napaka classy tingnan sa daliri ni Anne.

3. Sarah Labhati

Si Sarah ay naghintay ng limang taon bago nag proposed sa kanya si Richard Gutierrez. Ang engagement ring ni Sarah ay isang halo-set diamond na hindi baba sa 2 carat na nagkakahalaga ng 255,000 hanggang 2.44 million per carat.

Itong singsing ni Sarah ay bihirang uri ng diamond kaya sadyang napakamahal talaga. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap siya ng singsing mula kay Richard dahil binigyan rin siya nito ng true sapphire ring na tinawag nilang the ‘promise ring’.

4. Toni Gonzaga

Si Toni ay makailang beses ng inaalok ng kasal ng kanyang asawang si Paul Soriano noong 2004, lagi niya itong tinatanggihan dahil hindi pa siya handing mag-asawa nung mga panahon na iyon. Kaya noong 2016, nag proposed si Paul kay Toni na may dala-dalang singsing sa kanyang bulsa noong nagdiwang sila ng kaarawan ni Toni na may kaba sa kanyang dibdib na baka tanggihan uli siya nito.




Kaya nung na engaged si Toni nag post siya sa kanyang Instagram, na naging usap-usapan ng kanyang mga taga-hanga ang kanyang engagement ring. Ang singsing ni Toni na may bigat 1.5 carat solitaire ring ay nagkakahalaga ng 2 milyong piso. Ito ay gawa sa pa bansang Israel sa lugar na gustong-gustong puntahan ni Toni.

5. Jessy Mendiola

Si Jessy ay na engaged kay Luis Manzano noong nakaraan lang na December 12, 2020 kung saan ibinahagi nilang dalawa ang larawan ng kanilang engagement. Ang singsing ni Jessy ay may bigat na 3 hanggang 4 na carat ang laki ng D color diamond na nagkakahalaga ng 5 milyong piso.

Ang engagement ring na ito ay nabalot agad ng intriga. Ito ay sariling disensiyo ni Jessy na pinagawa pa ni Luis sa Manila Diamond Studio.

6. Angel Locsin

Si Angel ay na engaged sa kanyang kasintahan na si Neil Arce noong June 29, 2019. Ginulat ni Angel ang kaniyang mga taga-hanga na siya engaged na. Nagpost siya ng mga larawan ng kanilang engagement kung saan ipinakita niya ang kanyang singsing.

Ang diamond ring ni Angel ay may bigat na 4.24 carat na nagkakahalaga din ng milyon.

7. Sarah Geronimo

Si Sarah at Matteo ay na engaged noong November 19, 2019. Ayon kay Matteo, dalawa ang singsing na binigay niya kay Sarah. Ang isang diamond ring ay pamana sa kanya ng kaniyang lola at ang isa namang diamond na singsing na binigay niya gawa ng kaniyang brother-in-law na isang jewerler.

8. Pauleen Luna

Si Pauleen ay na engaged kay Vic Sotto, binigyan siya nito ng diamond ring na nagkakahalaga ng 1.5 milyong piso na binili pa sa Hongkong. Ayon sa pagkakatukoy ng manager ni Pauleen na si Lolit Solis ang singsing na ito ay may bigat na 3 carat diamond solitaire kaya sadyang napakamahal talaga.




9. Maxene Magalona

Si Maxine ay na engaged sa kanyang asawang si Rob noong sila ay nasa Japan na tamang-tama ay nagdiwang sila ng kanilang valentine’s day. Ang singsing ni Maxene ay isang princess cut diamond ring na nakaset sa isang platinum band. Para sa kanya ay isa siyang prinsesa ni Rob kaya princess ring ang binigay sa kaniya. Pagkalipas ng tatlong buwan pagkatapos nilang ma-engaged sila ay nagpakasal.

10. Chynna Ortaleza

Noong 2016, nag proposed si Kian Cipriano kay Chynna. Ayon kay Kian, dalawang beses siyang nagproposed kay Chynna. Ang una ay walang singsing ang kanyang sinresidad lang ng kanyang pagmamahal kay Chynna ang puhunan at ang ikalawa naman ay nung lumuhod siya na may dalawang singsing na siyang ibinigay.

Sa isang post ni Chynna, ipinakita niya ang kanyang engagement ring na isang brilliant cut diamond na nakaset sa isang platinum band.

11. Max Collins

Si Max at kanyang asawa na si Pancho Magno ay na engaged noong 2017. Naging madamdamin ang naging engagement nila ni Pancho dahil hindi niya ito inaasahan at talagang umiyak siya.

Ang kanyang engagement ring ay mayroong 19 diamonds na ang isa ay nasa gitna ito ay isang usher cut diamond na nakaset sa isang platinum band na may maliliit na bato. Sila ay nagpakasal noong December 2017 pagkalipas ng ilang buwan ng kanilang engagement.

12. Cristalle Belo

Siya ay na engaged sa kanyang asawa na isang Australian. Sa isang post ni Cristalle, ipinakita niya ang kanyang engagement ring na isang 3 carat cushion cut diamond ring na nakaset sa isang platinum band na may malaking bato at napapalibutan ng maliliit na bato.

13. Heart Evangelista

Si Heart ay na engaged kay Senator Chiz Escudero noong August 2014. Siya ay nakatanggap ng 2 carat heart shaped diamond solitaire ring na pamana pa mula sa ina ni Senator Chiz. Nagpakasal sila sa Balisin Island Resort Cloud.




14. Alex Gonzaga

Maraming mga taga-hanga ni Alex ang sumusubaybay sa relasyon nila ng kaniyang boyfriend na si Mikee. Sa latest vlog ni Alex, inanunsiyo niya na sila ay engaged ng dalawa. Ang engagement ring ni Alex ay isang triple banded scudded diamond ring at ang bato nito ay may bigat na 3 carat.

15. Solenn Huessaff

Si Solenn ay na engaged sa kaniyang Argentian na asawang si Nico Bolzico noong December 2014. Ang engagement ring ni Solenn ay isang glittering round gold diamond solitaire ring at ito ay may nakaukit na soon to be married.

Magaganda man o mamahalin ang mga singsing na ito ang pinaka importante sa lahat ay ang pagmamahal na kayang ibigay ng bawat magkasintahan sa isa’t isa. Dahil ang pagmamahal pa rin ang pinaka kumikinang na ginto at diyamante sa buong mundo.




error: Content is protected !!