Ang tinaguriang Megastar sa industriya ng showbiz na si Sharon Cuneta, ay isang mabuting tao at mapagmahal sa kapwa. Kaya naman, hindi nakapagtataka na sa loob ng mahabang panahong pananatili sa industriya ng showbiz, ay marami na ang taong naging kaibigan at naging malapit sa puso ng Megastar.
Isa na nga rito ang aktres na si Judy Ann Santos na hindi maikakaila ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Nagsimulang magkalapit ang Megastar at si Juday na parang magkapatid na ang turing sa isa’t isa matapos magkasama sa pelikulang “Magkapatid” noong 2002.
At sa paglipas ng panahon ay mas lalo pa nilang napatatag ang kanilang relasyon bilang magkaibigan. Kamakailan nga, ay labis ang kaligayahan ni Sharon matapos surpresahin ni Juday ng isang napakacute na alagang aso.
Dahil talagang nagustuhan ng Megastar, ang surpresang handog ng kanyang kaibigan, ay ipinaabot niya ang pasasalamat sa pamamagitan ng isang post sa Instagram.
Pagkwekwento nga sa post ni Sharon, noong Nobyembre 24, nang surpresahin siya ni Juday. Nasa oras umano siya ng siesta nang tawagin siya ng kanyang yaya upang ipaalam na may natanggap siyang surpresa mula sa itinuturing niyang kapatid na si Juday.
“On Nov. 24, a surprise came from my sister Juday. I had no idea and was half-asleep at siesta when my Yaya gently woke me up. She said, ‘Ma’am, may surprise po!’ With my eyes still closed I asked her, ‘Yayie naman, ano ‘yon?’ Then our Yaya Irish said, ‘Ma’am, matutuwa kayo!’ So I opened my eyes and there was this doggie crate with a ribbon tied to it with the name Agoncillo!”,paglalahad ni Sharon sa kanyang post.
Matapos namang basahin ang nakalakip na card, ay laking gulat niya ng tumambad sa kanya ang isang napakacute na asong may lahing Maltese. At ito raw ang kapalit sa naunang regalo nito sa kanya noon.
“I read the card attached first, of course, and in it Juday said matagal na daw niya gusto palitan yung gift niya sa akin noon na Bichon Frisé na si Asha, but now lang niya nagawa. And when I opened the crate, this tiny Teacup Maltese baby boy stared back at me! Aaaaaahhhhh!”
Ibinahagi rin ni Sharon kung ano ang pangalan ng bago niyang aso mula sa kaibigan. Ang napakacute na aso nga ay pinangalanan niyang Toby o Tobias na hango sa paborito niyang karakter sa political drama series na The West Wings.
Samantala, inilarawan rin ni Sharon ang tatlong buwang Maltese. Ito raw ay napakaliit at kasing laki lamang ng kanyang tsinelas.
“Toby is as long as my slipper and is soooo tiny that I would’ve panicked more if my mini Shih Tzu Wookie hadn’t come 3 weeks before! He is smaller than any dog I’d ever held before Toby came along and I was so careful and scared whenever I held him and whenever he would go to the edge of my bed! So here’s Toby!”
Nakakaaliw naman talaga ang magkaroon ng alagang aso, lalo na kung napakacute nito at nagmula pa sa taong malapit sa ating puso. Kaya naman, ganun na lamang ang tuwa ni Megastar Sharon matapos matanggap ang surpresang handog ni Juday.