Ang pagdiriwang ng pasko ngayong taon ay espesyal para sa mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Ito nga ay dahil, ito ang kauna-unahang pasko na magkasama nilang ipagdiriwang bilang mag-asawa.
Kamakailan nga, ay muling naghatid ng kilig ang mag-asawa sa kanilang mga tagahanga, kung saan ay magkasama silang nag-ayos ng dekorasyon sa itinatayong Christmas tree sa kanilang bagong bahay. Matapos mapabalita na nakalipat na ang mag-asawa sa kanilang bahay, ngayon ay masisilip na ng kanilang mga tagahanga ang ilan sa bahagi ng kanilang tahanan.
Noong ika-20 ng Disyembre, araw ng Linggo, ay ibinahagi ng Landers Superstore sa kanilang Youtube channel ang video ng mag-asawang Matteo at Sarah. Sa nasabing video, makikita na magkatulong ang mag-asawa sa pag-aayos ng Christmas, at ang makikitang bahagi sa sulok kung saan nakapwesto ang Christmas tree ay ang kanilang bakuran na kung saan napapalamutian ng Christmas decor.
Photo credits: Landers Superstore | youtube
Samantala, habang nag-aayos naman ng Christmas tree, ay napag-usapan rin ng mag-asawa ang kanilang saloobin at plano ngayong pasko. Ayon nga kay Matteo, ay espesyal ang pagdiriwang nila ng pasko dahil ito ang unang pasko nila bilang mag-asawa.
“This year is very, very special to Sarah and I because this is the first time we’re ever spending Christmas together obviously as husband and wife and as two people together forever.”
Napag-usapan rin ng dalawa, kung ano ang nais ihanda sa Noche Buena. At nang tanungin ni Sarah si Matteo, ay panay mga gawang cake ng singer ang nais nitong ihanda. Samantalang si Sarah naman ay vongole ang nais, na isang uri ng pasta na madalas iluto ni Matteo para sa kanya.
Photo credits: Landers Superstore | youtube
Nadako naman ang usapan sa diwa ng kapaskuhan na kung saan ay paboritong okasyon ni Sarah.
Saad nga ni Sarah,“Siguro the Christmas spirit, love, It’s my favorite time of the year kasi parang it’s Christmas time. Everybody is loving, caring, generous.”
Para naman kay Matteo, ay nais niyang maging masaya ang pasko ng bawat pamilya. At sa kanila nga ni Sarah ay kakaiba ang pasko, dahil silang dalawa lamang ang magkasama at magsisimula pa lang bumuo ng pamilya.
Samantala, pagbabahagi naman ni Sarah, ay kakaiba ang pagdiriwang ng pasko ngayong taon dahil sa pandemya. Kung noon nga, ay nakakasama ang mga mahal sa buhay at sama-samang nagdiriwang ng kapaskuhan sa loob ng tahanan, ngayon nga ay virtual na lamang ang mga pagdiriwang. Saad naman ni Matteo, ay nakakamiss rin yung mga nagka-caroling sa labas ng bahay na hatid ay masarap pakinggang mga Christmas song.
Photo credits: Landers Superstore | youtube
Sa huli ay binati naman ng mag-asawa ang kanilang mga tagahanga ng Maligayang Pasko. Hangad nga ng dalawa na nawa’y magkaroon ng masayang pagdiriwang ng pasko ang lahat sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan.
“Sarah and I would like to wish everybody out there a Merry, Merry Christmas and a Happy New Year. I know this year has been very, very difficult … people have been going through ups and downs in this very big situation and a very big situation that has changed everybody’s lives. But I hope this Christmas everybody finds that family time, that precious moment with your family to say I love you and thank you,”pahayag ni Matteo.
Dagdag naman ni Sarah, ay huwag kalimutan ang totoong diwa ng pasko.
“Don’t forget the true essence of Christmas — spending it with our loved ones, with our families, ‘di ba?”