Connect with us

Entertainment

Loisa Andalio, Ipinasilip ang Kanyang Bagong Bahay sa Part 2 ng Kanyang House Tour Vlog

Ang aktres at dating PBB housemate na si Loisa Andalio, ay isa sa mga hinahangaang aktres ng makabagong herenasyon. At bilang isang kilalang artista sa industriya, ay tuluyan na nga niyang binuksan ang buhay niya sa publiko.




Kagaya nga ng ilang sikat na artista, ay ipinasilip na rin ni Loisa ang kanyang tahanan sa pamamagitan ng isang vlog.

Matatandaan nga na naging kontrobersyal ang part 1 ng house tour vlog ni Loisa. Ito nga ay matapos sabihin ng aktres na hindi sila nag-hire ng architect upang gawin ang kanilang bahay at tanging sila lamang ang nagdisenyo ng bahay. Umani ng samu’t saring komento at reaksyon ang part 1 ng house tour vlog ni Loisa.

At kamakailan nga, sa part 2 ng kanyang house tour vlog ay nilinaw ng aktres ang usaping ito. Ang part 2 ng house tour ni Loisa ay ibinahagi noong ika-18 ng Disyembre at mapapanood na sa YouTube Channel nila ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte na LoiNie TV.

Sa unang bahagi ng video ay ipinaliwanag at nilinaw ni Loisa ang isyu sa part 1 ng kanyang house tour. Ayon nga rito, ay mali umano ang pagkakasabi niya sa pag-hire ng architect dahil ang ibig niyang sabihin ay hindi sila kumuha ng interior designer.




Ito nga ay dahil pareho ang hitsura ng bahay sa subdivision at nabili nila ang bahay ng gawa na. Samantalang sa construction ng ginawang extension ay nag-hire umano sila ng architect at engineer para na rin maging maganda at ligtas ang bahay. Mayroon rin itong building permit.

Sa part 2 ng house tour vlog ng aktres, ipinasilip niya ang bago niyang bahay na di kalayuan sa kanilang family house. Kasama ang nobyong si Ronnie, ay inilibot ng magkasintahan ang mga tagahanga sa humble home ni Loisa.

Pagpasok nga sa loob ng tahanan ng aktres ay masisilayan ang kasimplehan nito. Bubungad nga agad ang sala na may mga simple ring mga kagamitan.

Bagamat, simple ang tahanang ito ng aktres, masisilayan naman kung gaano katotoong tao ang nakatira rito. Matapos lumibot sa unang palapag ay nagtungo naman ang magkasintahan sa 2nd floor ng bahay. Dito matatagpuan ang silid ni Loisa kung saan makikita ang kanyang ilang kagamitan.

Kapansin-pansin naman na hindi pa ito fully furnished, at wala ring kurtina pang nakakabit sa mga bintana. Ito nga ay dahil kakalipat lamang ng aktres, at wala rin umano siyang panahon pang bumili ng kurtina.




Samantala, ipinasilip rin ni Loisa ang ilan sa kanyang mga sapatos, bag at damit. Mapapansin nga na kakaunti lamang ang mga ito. Ito nga ay sa kadahilanang hindi umano siya mahilig mangolekta ng mga damit, sapatos at bag. Sapat na raw sa aktres na may magamit siya sa tuwing may lalakarin.

Hindi naman maitatanggi na pinahanga ni Loisa ang mga netizens sa vlog niyang ito sa pagiging totoong tao. Kaya naman ang mga netizens ay nagbigay ng mga positibong komento.

“more than the house tour, I enjoyed how r2 acts in the house tour masasabi mo talagang seryoso at masaya sila sa isa’t isa”

“Grabe sobrang simple at hindi pretentious. Godbless you!”

“Ang genuine and humble ng tour grabe kaya siguro tawang tawa lagi si Ronie.”

error: Content is protected !!