Larawan ng Kagandahan ni Charo Santos Naging Malaki ang Ambag sa Pelikulang Pilipino

Si Charo Santos-Concio ay isa sa mga taong tinitingala sa mundo ng pelikula. Isa siya mga taong nagpatibay ng pelikulang Pilipino. Malaki ang papel na ginagampanan ni Charo Santos sa paggawa ng mga teleserye at pelikula sa Pilipinas.

Siya ay naging host ng longest-running television drama anthology in Asia na ‘Maalala Mo Kaya’.

Sa paglipas ng panahon hindi pa rin kumukupas ang kaniyang kagandahan. Si Charo Santos ay naging inspirasyon ng maraming Pilipino dahil sa kaniyang angking talino at kagandahan.

Makikita sa kaniyang mga larawan na kahit may kalumaan na, ang kaniyang kagandahan ay hindi pa rin kumukupas. Dahil sa kaniyang angking ganda at katalinuhan siya ay naging isang beauty queen. Hindi talaga maikakaila ang kaniyang kagandahan dahil isa siya sa mga pinakamagandang babae ng kaniyang henerasyon.

Naging isa siyang magaling at hinahangan na aktres ng pelikulang Pilipino. Hindi maitatangi ang kaniyang galing sa pag-arte. Marami na siyang naging pelikula na halos siya ang pangunahing karakter mapa-bida man o kontrabida.

Sa napaka-batang edad nagsimula siyang umarte. Ang kaniyang galing sa pag-arte ang kaniyang naging puhunan sa maraming pelikulang kaniyang ginampanan.

Isa siya sa mga aktres na laging laman ng mga tabloid at magazine dahil sa kaniyang naging kasikatan.

Hindi rin maitatago ang pagkahilig niya sa musika, dahil ito ang isa sa kaniyang mga talento. Kahit na sumabak siya sa pag-aartista hindi niya pa rin pinabayaan ang kaniyang pag-aaral kaya’t siya ay nakatapos ng may diplomang maituturing. Dahil na rin sa kaniyang naging magandang personalidad mas lalo siyang hinangaan ng tao.

Kaya ngayon ay isa na siyang magaling na media executive ng pelikulang Pilipino. Siya ay naging Chief Executive Officer ng ABS-CBN Corporation, simula 2012 hanggang 2016. Kung saan ito ay may pinakamalaking entertainment at media conglomerate sa Pilipinas.

Sa isang post ni Charo sa kaniyang Instagram, makikita ang pagbabalik tanaw niya sa mga alaala ng kaniyang pinakamamahal na ina.

“My Mom will always be my inspiration, I miss her so much!”

Ibinahagi rin niya, ang isa sa kaniyang mga naging pelikula kasama ang director na si Mike De Leon sa pelikula niyang “Itim”. Nais ni Charo na maging insipirasyon ang kaniyang mga naging pelikula lalo na sa mga kabataan na nagnanais na maging parte ng pelikulang Pilipino.