May mga oras nga talaga sa ating buhay, na hihingin ng pagkakataon na tayo ay makagawa ng kabutihan sa ating kapwa o di kaya naman ay makatulong sa mga ito sa oras ng kanilang pangangailangan. Lalo na kung ito ay sa oras ng kapahamakan at sakuna, at may magagawa naman tayo para makatulong o mailigtas ang mga ito.
Katulad na lamang ng kabutihan at pagmamalasakit na ipinakita at ginawa ng dating Miss Universe Ph na si Rachel Peters sa isang lalaking nangailangan ng tulong, ng muntik na itong lamunin ng karagatan dahil sa pagkalunod.
Dahil sa kanyang kaalaman sa paglangoy at husay sa pagdala ng surfing boards, ay nagawang iligtas ng dating Miss Universe Ph na si Rachel Peters ang isang lalaking nalulunod sa malalim na parte ng karagatan.
Ang nakaka-proud na balitang ito ay ibinahagi ng kasintahan at fiancé ni Rachet Peters na si Camarines Sur governor Migz Villafuerte sa kanyang Instagram account nito lamang nakaraang linggo.
Sa naging post nga ng nabanggit na gobernadora ng lalawigan ng Camarines Sur, ay makikita ang pagbabahagi nito ng larawan ng kanyang kasintahang beauty queen, kasama ang lalaking sinaklolohan nito sa pagkalunod.
Kalakip pa nga nasabing larawan ay ang naging caption ni Governor Migz Villafuerte na;
“The ocean is whole different world and learning surfing the right way, with the right people is the best way to know the ocean!”
“Sige na, papayagan na kitang mag-Siargao ng mag-Siargao pa more, babe”, ang naging saad nga ng gobernadora ng Camarines Sur.
Samantala, matatandaan na si Rachel Peters ay isa sa mga naging representante ng Pilipinas sa prestihiyosong beauty pageant na Miss Universe noong taong 2017, kung saan bigo mang nasungkit ang korona ay karangalan pa rin sa mga kababayan niya ang makapasok siya sa top 10 ng nasabing beauty pageant.
Maliban pa nga sa pagiging isang beauty queen, ay kilala rin si Rachel Peters, bilang isang host. Siya nga ay isa sa mga host na nakasama noon ni Marc Nelson sa Metro Channel show na “Beached”.
Si Rachel Peters at Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, ay nasa 5-taon na ring magkarelasyon bago pa man nila i-anunsyo na sila ay engage na nooong buwan ng Nobyembre taong 2019.