Connect with us

Entertainment

Kitchie Nadal Ipinakita ang Kanyang Bagong Apartment sa Madrid, Spain

Ang pag-aasawa ay ang pakakaroon ng sariling pamilya. Bukod rito, ito rin ang pagkakaroon ng hiwalay na pamumuhay. Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng sariling tahanan na maituturing, kung saan binubuo ng mag-asawa ang pondasyon ng kanilang pamilya.

Sa pagkakataong ito, nagsusumikap ang mag-asawa na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Ang pagbabahagi ng loob ng tahanan ay isa sa mga nakakaaliw na gawain.




Kagaya na lamang ng singer na si Kitchie Nadal, ibinahagi niya sa kanyang bagong vlog sa Youtube ang kanilang bagong tinutuluyan na apartment. Si Kitchie ay nakatira ngayon sa Madrid, Spain kasama ang kanyang asawang si Carlos López at ang kanilang anak na si Keon. Nag house tour si Kitchie sa kanilang bagong apartment, ipinakita niya rito ang simpleng pamumuhay nilang mag-pamilya.

Sa kanyang bagong vlog, makikita rito kung gaano kasimple ang loob ng kanilang bahay. Ang kanilang bahay ay napaka-tipikal lamang dahil wala itong masyadong magagarbong gamit sa loob.

Unang ipinakita ni Kitchie ang kanilang sala kung saan naroon ang kanilang Christmas tree na may mga larawan ng kanilang mga mahal sa buhay. Sunod niyang ipinakita ang view kung nasaan ang swimming pool, na ayon sa kanya tuwing summer lang sila naliligo dahil nga mainit ang panahon.

Ibinahagi rin niya ang kwento ng bawat gamit sa kanilang sala pati na rin ang kanyang napakasimpleng studio kung saan ito ang kanyang working station. Sunod naman yang pinuntahan ang kanilang kusina kung saan ipinakita niya kung paano siya magluto ng kanilang pagkain. Ipinakita rin niya ang silid ng kaniyang anak at ang silid nilang mag-asawa na sadyang napakasimple lang talaga.




Sunod namang dinako ni Kitchie ang working station ng kanyang asawa at kung saan ito nag-eehersisyo. Pinasilip rin niya ang kanilang laundry area at ang kanilang comfort area. Ayon pa kay Kitchie, nagpaplano silang mag-asawa na lalagyan nila ng outdoor sofa ang kanilang veranda na nasa taas ng kanilang bahay upang minsan doon sila magpapahinga.

Ang kanilang bagong bahay ay walang masyadong gamit, dahil ayon kay Kitchie pareho sila ng kanyang asawa na mas gusto nilang konti lang ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay. Hindi sila mahilig bumili ng mga gamit. Sa kasalukuyan pareho silang nagwo-work from home ng kanyang asawa.

Dagdag pa niya, ayaw nila pareho na makalat ang kanilang bahay kasi hindi sila makapagtrabaho ng maayos dahil nga sa bahay lang sila nagtatrabaho. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit konti lang ang kanilang mga gamit sa loob ng bahay.




Ibinahagi rin ni Kitchie ang mga lugar na madalas niyang puntahan sa bawat araw. Sa pagtatapos ng kanyang vlog isang awitin ang kanyang ibinahagi upang maipadama ang nalalapit na kapaskuhan.

error: Content is protected !!