Kilalanin si Brandy Kramer ang napakagandang kapatid ni Doug Kramer at asawa ng sikat na PBA player na si Arvin Tolentino

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang matagpuan ang isang tunay at wagas na pag-ibig. Pag-ibig na hindi nababase sa materyal na bagay bagkus ay isang dalisay at wagas na pagmamahal ang tanging alay. At higit sa lahat ay Panginoon ang sentro ng pagmamahalan.


Image courtesy: Doug Kramer/Instagram

Katulad na lamang ng pag-iibigan ng napakagandang kapatid ni Doug Kramer na si Brandy Kramer at PBA Player ng Ginebra na si Arvin Tolentino. Hindi nga maiwasan ng publiko na humanga sa dalawa dahil sa ipinamalas nilang pagmamahal sa isa’t isa.


Image courtesy: Brandy Kramer/Instagram

Matatandaan na noong July 2019 ay na-engaged ang kapatid ni Doug na si Brandy sa mahusay na manlalaro sa PBA na si Arvin. Nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa matapos ligawan ni Arvin si Brandy.

Kahit nga nag-aaral sa Ateneo si Arvin ay matiyaga siyang dumadayo ng San Beda upang makita at makasama si Brandy. Tila sulit na sulit naman ang pagsasakripisyo ng bawat isa dahil ngayon nga ay ganap na silang mag-asawa at makakasama na nila ang isa’t isa habang-buhay.


Image courtesy: Brandy Kramer/Instagram

Kamakailan lamang ay ginanap ang pag-iisang dibdib nila Brandy at Arvin sa pamamagitan ng isang simple ngunit masayang seremonya ng kasal kung saan tanging pamilya lamang nila ang nakasaksi. Hindi man magarbo ang naging selebrasyon, makikita naman na mas mahalaga para sa dalawa ang kanilang tunay at wagas na pagmamahal sa isa’t isa.


Image courtesy: Brandy Kramer/Instagram

Samantala, upang ipakita nga ang pagsuporta at pagbati sa bagong kasal, nagbigay ng nakakaantig na mensahe ang mag-asawang Doug at Cheska Kramer sa kanilang Instagram.


Image courtesy: Brandy Kramer/Instagram

Ayon nga kay Doug, proud na proud siya sa kanyang kapatid dahil natagpuan nito ang hinahangad na pag-ibig sa katauhan ni Arvin. Bagama’t, hindi naging engrande ang selebrasyon, makikita naman na talagang masayang-masaya si Brandy sa piling ng kanyang asawang si Arvin na talagang mahal na mahal siya.


Image courtesy: Brandy Kramer/Instagram

Ayon pa kay Doug, nakakatiyak rin siya na hindi pababayaan ni Arvin ang kanyang kapatid bagkus ay mamahalin at aalagaan ito habambuhay.

Samantala, nagbigay rin ng payo si Doug sa bagong kasal kung saan sinabi niyang dapat maging sentro ng kanilang pagmamahalan ang Panginoon upang maging matatag sa anumang pagsubok at mapanatili ang pagmamahal sa isa’t isa.

Samantala, gaya rin ni Doug ang tanging hangad rin ni Cheska ay kaligayahan at masayang pagsasama para sa bagong kasal. Ayon nga kay Cheska, hindi man ito ang inaasahang kasal para sa dalawa ay punong-puno naman ito ng pagmamahal, tawanan at emosyon.


Image courtesy: Brandy Kramer/Instagram

Ang lahat nga ng kaganapan ay inilaan ng Panginoon para sa kanilang matiwasay na pag-iisang dibdib. Ayon pa kay Cheska, ay dapat hindi sila makalimot na mahalin at tulungan ang bawat isa sa gitna ng pagsubok. Nagbigay rin ng isang Bible verse si Cheska na akmang-akma para sa bagong kasal.

“Therefore what God has joined together, let not man separate. – Matthew 19:6.”


Image courtesy: Brandy Kramer/Instagram

Tunay nga na ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay hindi matutumbasan ng materyal na bagay. Patunay lamang nito ang pag-iibigan nina Brandy at Arvin.

Congratulations and best wishes!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *