Kilalanin si Angela Muhlach, isang Industrial Engineer at napakagandang kapatid ni Niño Muhlach

Ang 47-taong gulang na comedian-actor na si Angelo Jose Rocha-Muhlach o mas nakilala ng publiko sa kanyang screen name na Niṅo Muhlach ay isa mga sikat at naging popular na bulilit aktor noong kanyang kapanahunan.


Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Ang mga magulang ni Niṅo Muhlach ay kinilala bilang sina Alexander Muhlach at Rebecca Muhlach.


Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Siya ay may anak na tila nagmana ng kanyang kabibohan, ito ay kanyang “Mine Me” version na si Alonzo Muhlach, isa sa mga pinaka-cute at kinaaliwan rin na child star ngayon.
Hindi nga maitatanggi na ang mga Muhlach ay sadyang may angking karisma, dahil tulad ni Niṅo ang kanyang pinsan rin na si Aga Muhlach ay isa sa mga maituturing na heartthrob noon.
Kung ating babalikan ang naging career ni Niṅo Muhlach noon, siya ay kinilala bilang isa sa mga “Child Wonder of the Philippines”, dahil sa angkin niyang kabibohan at galing sa pagiging isang child star.

Samantala, may kapatid naman si Niṅno Muhlach na nagiging agaw pansin ngayon sa social media, at pinag-uusapan ng maraming mga online users ang angkin nitong ganda.
Ang nakakababatang kapatid ni Niṅo ay si Angela Muhlach, na ngayon ay pinag-uusapan online dahil sa hinahangaan ng mga netizens ang angkin nitong ganda na mala-artista. Masasabi nga natin na talagang nasa dugo ng mga Muhlach ang pagkakaroon ng magaganda at gwapong lahi.


Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Ngunit hindi tulad ng kanyang Kuya na si Niṅo na nakilala sa showbiz industry, mas nais ng dalagang si Angela ang bigyan ng priyoridad ang kanyang pag-aaral kahit pa nga ba nagtataglay siya ng ganda na pwedeng pang showbiz. Mas nais ng dalaga na makapagtapos ng kanyang pag-aaral at maabot ang propesyon na kanyang pinapangarap.

Hindi man nakilala si Angela sa telebisyon tulad ng kanyang Kuya na si Niṅo, ngayon naman ay tila nagiging popular na rin ito dahil sa kanyang agaw pansin na ganda at ipinakitang talino dahil sa kanyang naging pagtatapos sa kolehiyo na kung saan ay isa siya sa mga nakakuha ng parangal.

Nagtapos ng kanyang kursong Industrial Engineering sa De La Salle University si Angela, kung saan ay nagtamo rin siya ng parangal sa kanyang pagtatapos. Ibinahagi rin ng dalaga sa kanyang social media account, na sa kanilang angkan ay kauna-unahan siya sa mga nakapagtapos ng kursong inhenyero at may karangalan pa.


Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Sa edad niyang 24-taong gulang, ay tila nagawa na lahat ng dalaga ang mga bagay na nasa kanyang bucket list. Maliban sa pagkakaroon niya ng maraming oras para sa kanyang pamilya, ay ilang mga bansa na rin ang napasyalan ng naturang dalaga.


Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Taong 2014 ng magtungo si Angela sa ilang mga bansang Europa, at dito nga ay ilang mga magagandang lugar ang napuntahan ng dalaga. Ilan sa mga bansang kanyang pinasyalan ay ang London, Spain, Paris, Holland, Rome at Netherlands.

Isa pa nga sa mga bucket list na nagawa ni Angela ay ang subukan ang skydiving, na ginawa niya noong magtungo siya sa Amerika noong taong 2015.


Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Ibinahagi rin ng dalaga noon sa kanyang social media account ang mga larawan niya sa skydiving, kung saan ay nilakipan niya ito ng caption na “Ocean City Skydiving Center at 21. I’ve reached 10,000 ft. in the air and had the most amazing seconds of my life! Officially a skydiver. #ultimatebucketlist”


Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Noong 2017 naman ay naranasan ng dalaga ang magcelebrate ng New Year Eve, sa bansang New York, kung saan ay natunghayan niya s a New York City Time Square ang dropping of balls ceremony.


Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Isa ring Daddy’s girl si Angela, kung kaya’t para sa dalaga ay ang kanyang ama na si Alexander Muhlach ang kanyang Prince Charming, kaya naman ito ang madalas niyang makasama at madalas rin na sila ay mag-father-daughter date.


Image courtesy: Angela Muhlach/Instagram

Dahil naman sa angking gandang taglay ng dalaga na talaga namang isa sa mga umagaw sa pansin ngayon ng mga netizens, ay marami sa mga ito ang nais na masilayan ang dalaga sa telebisyon at ang ilan pa nga ay nagsasabing bagay ang dalaga na maitambal sa mga gwapong leadingman ngayon sa showbiz industry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *