Kilalanin ang napakagandang Girlfriend ni Joseph Marco na nagngangalan na Dasha Romanova na isang Russian Model

Si Joseph Marco ay isa sa mga Kapamilya actor na talaga namang hinahangaan at pinapantasya ng marami. Batid natin na noon ay si Miss Earth Philippines 2018 Celesti Cortesi ang karelasyon ng aktor. Si Celesti Cortesi ay isang modelo na may lahing Pinoy at Italian.


Image courtesy: Dasha Romanova/Instagram

Noon ngang Marso, ay si Celesti Cortesi pa ang karelasyon ni Kapamilya actor Joseph Marco, ngunit ngayon ay nagulat ang lahat nang magbahagi ang aktor sa kanyang social media account ng panibagong babae sa buhay niya, na siyang karelasyon niya ngayon.


Image courtesy: Joseph Marco/Instagram

Mapapansin rin sa Instagram feed ng aktor, na burado na ang mga larawan nila ni Celeste, at maging sa Instagram ng beauty queen ay wala na ring bakas ng anumang relasyon nila ng aktor noon.


Image courtesy: Joseph Marco/Instagram

Samantala, ngayon nga ay tila natagpuan na muli ng aktor ang panibago niyang pag-ibig. At ito nga ay sa katauhan ng isang Russian model na kinilala bilang si Dasha Romanova.


Image courtesy: Joseph Marco/Instagram

Nito lamang nga August 6, ipinakilala ni Joseph Marco si Dasha, kung saan ayon sa aktor ang Russian girlfriend niya ay ang “missing piece” niya sa kanyang buhay.


Image courtesy: Dasha Romanova/Instagram

Base naman sa mga larawan na ibinahagi ng Kapamilya actor sa kanyang Instagram, ay makikita na tila sobra ang pagka-inlove nito ngayon sa kanyang girlfriend dahil talaga namang napakatamis ng ngiti ni Joseph sa bawat larawan kung saan ay kasama niya si Dasha.


Image courtesy: Dasha Romanova/Instagram

Marami pa ngang mga larawan ang magkasintahan na talaga namang kakikiligan dahil sa makikita rito ang sweetness nila sa isa’t isa. Tulad na lamang ng mga larawan nila kung saan ay nagsusubuan sila ng ice cream at ang isang larawan nila na kuha habang sila ay nakaupo sa batuhan, habang nakayap si Joseph Marco kay Dasha na may napakagandang background view na city light.


Image courtesy: Dasha Romanova/Instagram

Sa kanyang Instagram post rin ay ibinahagi ni Joseph Marco, kung nong klaseng kaligayahan ang nararamadaman niya ngayon sa piling ng nobya niyang si Dasha. At gusto rin umano ng aktor na laging nasa tabi niya ang kasintahan.


Image courtesy: Dasha Romanova/Instagram

“At times I would find myself crying with happiness.”

“The moment you walked into my life I found a side of me I never knew I had. A side that would sacrifice everything for your happiness.

“I never felt so safe and secured like this.”


Image courtesy: Dasha Romanova/Instagram

Nagpasalamat rin ang aktor kay Dasha sa pagmamahal na ipinaparamdam nito sa kanya at sa pagtanggap sa kanya upang maging kasintahan nito.


Image courtesy: Dasha Romanova/Instagram

Dahil sa hilig din ng aktor ang magluto at magbake ng masasarap na makakain, ay tila ito ang isa sa mga ginamit niya upang makuha ang loob ng dalaga at mapa-ibig ito sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *