Kilalanin ang mga sikat na artista na mayroong Adopted na baby noon na mga malalaki na ngayon at ang iba’y dalaga’t binata na

Ang pagiging isang magulang, ay hindi nga lang nababase sa kung ikaw ba ang nagdala at nagluwal sa iyong naging anak. Dahil kahit pa hindi mo kadugo, o hindi ikaw ang nagluwal sa isang sanggol, ay maari ka pa rin niyang maging magulang, dahil ang pagiging isang magulang ay nababase sa pagmamahal at pagtanggap na maari mong ibigay sa isang sanggol na iyong minahal at pinalaki kahit hindi ito nagmula sayo.

Tulad na lamang ng ilang mga kilalang artista, na hindi naging lihim ang pagkakaroon ng adopted na mga anak, dahil alam nila na pakamamahalin nila ang mga ito na parang tunay nilang anak.

Narito nga ang ilan sa mga kilala nating artista na may adopted na anak;

Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto (anak nilang si Kiel)


Image courtesy: Kristine Hermosa

Si Kristian Daniel o Kiel, ay inadopt ng aktres na si Kristine Hermosa bago pa man ito ikasal sa asawa niyang aktor na si Oyo Boy Sotto. Noon ay Orille ang ginagamit na apelyido ni Kiel, ito ay ang apelyido sa pagkadalaga ng aktres.

Marahil, dahil sa Kristine na ang nag-alaga kay Kiel mula pa ng sanggol ito, ay halos nahahawig na rin ang bata sa aktres, kaya naman sa mga hindi nakaka-alam ng totoo, ay hindi rin nila masasabi na ampon ang bata.Matatandaan na unang lumabas sa publiko ang naging pag-ampon ni Kristine sa bata, ay ng ibahagi ito ni Dina Bonevie sa isang naging panayam sa kanya. Si Dina Bonevie ay ang ina ni Oyo Boy, na ngayon ay siya na ring mother-in-law ng aktres.

Ayon pa sa ilang mga ulat, ang bata umano ay ibinigay kay Kristine ng Victory Christian Fellowship kung saan ay miyembro siya, at dun na nga nangyari ang naging pag-ampon niya kay Kiel at ini-uwi niya na ito sa kanilang tahanan.

Christopher De Leon at Nora Aunor (anak nilang sina Lot lot at Matet)


Image courtesy: Lotlot De Leon/Instagram

Ikinasal noong January 25, 1975 sina Christopher De Leon ay Nora Aunor. Ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay biniyayaan ng isang anak, at ito nga ay si Ian Christoffer De Leon.

Bagama’t may isang tunay na anak ang mag-asawa, ay mayroon rin silang mga anak na inampon. At una na nga sa mga ito ay ang dalawa nilang anak na babae na sina Matet De Leon at Lotlot De Leon. Nagkaroon rin ng dalawa pang anak na lalaki ang mag-asawa, nang ampunin nila sina Kiko at Kenneth.

Si Lotlot De Leon ay dumating sa buhay ni Nora Aunor, bago pa man ito ikasal kay Christopher De Leon. Samantalang si Matet naman ay ibinigay umano kay Nora ng kanyang yumaong inang si Antonia Calbatera o Manay Tunying, kung saan ay agad naman nahulog ang loob ni Nora kay Matet, kung saan siya rin ang nagbigay ng palayaw nito na “Matet”.

German Moreno ( anak nitong si Federico)


Image courtesy: Federico Moreno/Instagram

Hindi naman naging lihim sa publiko na ang binansagang Master Showman ng Pilipinas na si Kuga Germs o German Moreno, ay may ampon na anak at ito nga ay ang anak niyang si Federico.

Wala namang masyadong ibinigay na detalye kung paano nga naamon ni Kuya Germs ang anak niyang si Federico.

Hindi man kilala si Federico sa mundo ng showbiz kung san nakilala ang kanyang yumaong ama, ay public knowledge naman dahil ang napangasawa ng binata ay isa sa mga kapatid ng mga aktres na sina Shaina Magdayao at Vina Morales (Sharon Magdayao sa totoong buhay) at ito ay si Shiela Magdayao.

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo (anak nila na si Yohan)


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram

Dalaga pa lamang ang aktres na si Judy Ann Santos nang ampunin niya ang kanyang anak na si Yohan. Ayon sa aktres sa kanyang edad noon na 26-taong gulang ay naramdaman niya na handa na siyang maging isang ina at nais na niyang magkaroon ng baby.

Ngunit, dalawang taon pa umano ang lumipas bago naging opisyal ang naging pag-ampon ni Judy Ann kay Yohan. Ng mga panahong iyon ay 2-taon na si Yohan at 28-taon naman si Judy Ann.

Nang maging nobyo ni Judy Ann ang asawa na niya ngayon na si Ryan Agoncillo, ay tumayo na agad ito na ama sa anak na ampon ni Juday.

Matatandaan na ikinasal ang aktres na si Judy Ann Santos, sa actor-host na si Ryan Agoncillo noong ika-28 ng Abril taong 2009. At dahil sa siya’y ganap ng asawa ni Judy Ann, at in-adopt ni Ryan ang ampon nitong si Yohan, upang maging ganap na Agoncillo ito, at maging isang legitimate child nilang mag-asawa.

Taong 2014, ng maging legal ang adoption papers ni Yohan bilang isang Agoncillo.

Claudine Baretto at Raymart Santiago


Image courtesy: Claudine Barretto

Noong mag-asawa pa sina Claudine Baretto at Raymart Santigao, ay nag-ampon silang dalawa at ito ay ang anak nilang si Sabina. Mayroon ding naging biological child o totoong anak ang dating mag-asawa, at ito ay si Rodrigo Santino.

Taong 2013 ng maghiwalay ang mag-asawa, kung saan ay nag-file ang aktor ng sole custody case, ngunit itoy pinawalang bias ng korte noong Marso 2015.


Image courtesy: Claudine Barretto

Maliban nga kay Sabina, ay muling nag-adopt ang dramatic actress noong taong 2017, at ito nga ay ang kanyang anak na si Quia.

Kung ating natatandaan, noon ngang ibahag ng aktres sa kanyang social media account ang larawan ni Quia, ay agad nilait ng mga netizens ang kanyang baby girl, kaya naman agad dinipensahan ito ni Claudine sa mga mapanglait na basher.

Dolphy Quizon at Zsa-Zsa Padilla (anak na si Nicole)


Image courtesy: Nicole Quizon

Taong 1990 nang ampunin ni Comedy King Dolphy Quizon si Nicole Quizon. Ayon sa ilang mga artikulo, si Nicole ay kinukupkop ni Dolphy mula pa ng ito ay sanggol pa lamang, dahil ang mga magulang umano nito ay talaga namang hikahos sa buhay.

Sa pagpapalaki kay Nicole, ay naging kaagapay ni Dolphy ang kanyang common-law-partner noon na si Zsa-Zsa Padilla.
Base rin sa ilang mga ulat, sa labing-walong anak ni Dolphy Quizon, ay ang ampon niyang si Nicole ang nag-iisang legitimate na anak ng yumaong Hari ng Komedya.

Hindi tulad ng kanyang mga kinilalang mga magulang, ay hindi nalinya ni Nicole ang paspasok sa industriya ng showbiz, ngunit magkaganoon pa man ay malapit siya sa kanyang mga kapatid na sina Karylle Tatlonghari (anak ni Zsa-Zsa sa unang asawa nito) at Zia Quizon (anak naman nina Zsa-Zsa at Dolphy).

Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan (anak nilang si Miguel)


Image courtesy: Sharon Cuneta

Taong 2012, nang ipakilala ng mag-asawang Kiko Pangilinan at Mega Star Sharon Cuneta sa publiko ang adopted son na pinangalanan nilang si Miguel.

Isa ngang malaking birthday celebration ang ginanap noon, ng ipakilala ng mag-asawa si Miguel, na kung saan ay sinabi rin ng mga ito na legally ay Cuneta-Pangilinan na ang kanilang adopted son.

Mga kilalang mga artista naman sa showbiz ang naging ninong at ninang ni Miguel, at ilan nga sa mga ito ay sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Ciara Sotto, at ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Aiai Delas Alas


Image courtesy: Aiai Delas Alas

Maituturing naman na isa si Aiai Delas Alas sa mga aktres na may butihing puso sa industriya ng showbiz.
Inalagaan at kinupkop ni Aiai ang sanggol na si Seth Andrei noong taong 2011. Kng saan para sa comedian-actress si Seth Andre ay “Answered prayer” sa kanyang buhay, matapos mamatay ng kanyang dalawang anak na inampon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *