Kilalanin ang mga Pregnant Celebrity Moms, na Nakatakdang Magsilang ngayong Taon

Isang biyaya para sa isang babae, ang mabiyayaan ng sanggol sa kanyang sinapupunan, lalo na kung siya ay mayroon ng asawa na siya niyang magiging katuwang, bilang isang magulang.




Sa kabila ng p@ndemy@ na nararanasan ng buong mundo ngayong taon, ay panibagong pag-asa naman ang hatid ng mga sanggol na isinilang ngayong taon para sa kanilang mga pamilya. At maliban pa sa mga bagong silang na sanggol na ito, ay biyaya rin para sa mga magulang, ang mga sanggol na sa ngayon ay nasa kanilang sinapupunan pa lamang, at nakatakda pa lamang isilang sa susunod na taon.

Samantala, ilan nga sa ating mga kilalang celebrity mom, ang ngayon ay nagdadalang-tao, at nakatakdang magsilang ng kanilang magiging baby sa susunod na taon. At ito nga ay ang mga celebrity mom na sina;

Carol Banawa

Magkakaroon na nga ng pangatlong anak si Carol Banawa, sa kanyang asawang si Ryan Crisostomo, at ito ay proud ngang ibinahagi ng dating singer-actress na ngayon ay nakabase sa Amerika, at nagtatrabaho sa nasabing bansa bilang isang frontliner.

Isabelle Daza

Masaya ring ibinahagi ng model at entrepreneur na si Isabelle Daza, na sila ng kanyang asawang si Andrien Semblat, ay magkakaroon na ng kanilang pangalawang anak.

Zeinab Harake

Ginulat naman ni Zeinab Harake ang kanyang mga followers, sa kanyang vlog na may title na ‘Birthday Surprise Revelation”, kung saan ay ibinunyag niya na siya ay nagdadalang-tao, at ang ama nito ay ang boyfriend niyang si Daryl Ruiz, o mas kilala bilang ang rapper na si Skusta Clee.




Andi Eigenman

Marami naman ang natuwa ng ibalita ng aktres na si Andi Eigenman na magkaka-baby na silang muli ng kanyang partner na si Philmar Alipayo, isang kilalang kampeon sa surfer.

Kristine Hermosa

Sa ika-10 anibersaryo ng kasal ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, ay ibinalita rin ng mag-asawa, ang isang maagang regalo na natanggap nila ngayong Pasko, at ito nga ay ang muling pagbubuntis ni Kristine, kung saan ito na ang magiging pang lima nilang anak.

Phoemela Beranda

Sa kabila ng edad ni Phoemela Beranda na nasa 40’s na, at ang kanyang unang anak ay nasa 20’s na, ay masayang niyang ibinahagi sa kanyang mga followers at fans, na siya ay magkakaroon na ng 2nd baby.

Iwa Motto

July 23, ng i-reveal ni Iwa Motto sa kanyang mga fans na sila ni Pampi Lacson ay magkakaroon na ng kanilang pangalawang anak, at ito ay sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng larawan ng ultrasound ng kanyang expecting baby, na isa umanong baby boy.