Maraming tagahanga ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo ang nagnanais na masilayan ang loob ng tahanan ng aktres. Bagamat, sikat at kinikilala ng lahat sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na aktres, ay may mga bagay pa rin itong nais gawing pribado. Katulad na lamang nga ng pagpapasilip sa loob ng kanyang tahanan.
Dahil hindi naman nagsasawa ang mga tagahanga ni Kath na ipakita ang buong pagsuporta sa kanyang karera, ang matagal ng kahilingan ng kanyang mga tagahanga na masilayan ang loob ng kanyang tahanan, ay magalak niyang pinaunlakan.
Photo credits: Kathryn Bernardo | Youtube
At sa pagkakataong ito, ay hindi na nga pinalampas pa ni Kath ang pagkakataong ipasilip sa kanyang mga tagahanga sa kanyang latest vlog, ang isa sa bahagi ng kanyang napakagandang bahay. Ito nga ang kitchen area ng kanilang tahanan kung saan ay katatapos lang i-renovate.
Sa latest vlog nga ni Kath na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, tampok ang kitchen tour kung saan nagbigay rin ng tips ang aktres upang maging maayos at malinis tingnan ang kusina.
Kasama ni Kath sa kanyang vlog ang mahusay sa pagsasayos ng mga gamit sa loob ng bahay na si Ms. Issa mula sa Neat Obsessions.
Makikita nga sa kitchen area ni Kath, ang kalinisan dahil na rin sa kulay puting disenyo nito. Kapansin-pansin rin na maraming gamit sa pagluluto lalo na sa pagbi-bake sa kusina ni Kath. Ito nga ay dahil mahilig rin ang aktres magbake.
Samantala, sa bawat kabinet ay makikita ang drawer na kinalalagyan ng mga kagamitan. Makikita nga na naka-organized ang mga ito base sa kanilang gamit magmula sa baso, plato at iba pang kagamitan.
Isa naman sa mapapansing gamit sa isa sa mga drawer sa kusina ng aktres, ay ang mga tumblers na hindi mabilang sa dami at napuno na nga ang laman ng drawer. Ito nga ay dahil, kailangan ni Kath ng tumbler upang paglagyan ng inumin tuwing papasok sa trabaho.
Habang ipinapasilip naman ni Kath at ni Ms. Issa ang bawat bahagi ng kusina ni Kath, ay nagbigay naman ang mga ito ng tips kung paanong maging maayos at malinis ang bawat kagamitan sa kusina.
Hindi maikakaila ang pagiging masinop ni Kath sa mga kagamitan sa kanyang tahanan. Isang bagay na talagang kahanga-hanga sa aktres. Ang kanyang vlog rin ay nakatulong at nagbigay ng ideya sa kanyang mga viewers kung paano ang tamang pagsasaayos ng mga kagamitan sa kusina.