Kapuso Actor Dingdong Dantes, Viral Online Matapos Makita na Nagmo-Motorsiklo Para Personal na Magdeliver sa Customer ng Kanyang Delivery Apps na DingDongPH

Isa sa mga pinaka-popular at sikat na aktor sa industriya ng showbiz ng Pilipinas ay si Dingdong Dantes. Siya ay napapabilang sa mga hinahangaang mga aktor sa GMA Network. Hindi nga lamang siya isang aktor, dahil kilala rin siya sa pagiging isang host sa ilang programa ng nasabing network.

Maliban nga sa pagiging isang host-aktor, isa pa sa talagang hinahangaan ng marami niyang mga tagahanga kay Dingdong Dantes ay ang kanyang pagiging isang responsible at mapagmahal na asawa sa aktres na si Marian Rivera, at ama naman sa kanilang dalawang anak na sina Zia at Ziggy.




Samantala, sa pagkakaroon ng pandemya sa ating bansa, marami sa ating mga kilalang celebrity, ang nakapag-isip na magnegosyo, upang makatulong sa ibang mga mamamayan na nawalan ng trabaho, o di kaya naman ay upang may ibang pagka-abalahan sa kabila ng iilan lamang na proyekto sa telebisyon ngayon.

Isa na nga dito ang aktor na si Dingdong Dantes, na kung saan sa panahon ng pandemya ay nagbukas ng negosyo ang aktor, at ito nga ay ang kanyang delivery service app na DingDong PH na ang layunin ay upang makatulong sa mga mamamayan na maiwasan ang kanilang paglabas, dahil sa isang “click” lang nila sa delivery apps, ay idedeliver sa kanila ang kanilang pangangailangan.

Ang nakakabilib pa dito ay ang pagiging hands-on ni Dingdong sa kanyang negosyo, kung saan kapag siya ay hindi abala sa kanyang mga proyekto bilang isang aktor, ay tumutulong siya sa pagde-deliver ng mga order ng customer ng DingDong apps.

 

Nito nga lamang nakaraan ay naging usap-usapan online si Dingdong, ng lumabas online ang kanyang mga larawan, kung saan ay nakunan siya habang nagmo-motor upang i-deliver ang “items” na order ng customer ng kanyang delivery service apps.

Ayon sa naging ulat ng KAMI, ang nasabing larawan na ito ni Dingdong Dantes habang nagdedeliver, na kumalat online, ay ini-upload ng blogger-vlogger na si James Deakin sa kanya mismong Facebook page.

Kalakip nga ng nasabing larawan ay ang caption ng Filipio-British influencer, na nagsasabing na-“StarStruck” siya ng makitang nagde-deliver ang aktor.

“Spotted! Is that THE Ding Dong Dantes delivering personally? Btw, nice bike! Not sure whick one I’m more starstruck with. Good job bro! #dingdongspotted”

Makikita pa nga sa iba pang larawan na ini-upload ni James Deakin, ang mga kuha kung saan ay nakasuot ng “purple uniform” ang Kapuso actor na may logo nga ng kanyang delivery service apps business.

Matatandaan naman noong buwan ng Hunyo taong 2020, ng ibahagi ni Dingdong Dantes sa publiko, ang kanyang nais na pasukin ang courier and delivery services industry, at ito nga ay sa pamamagitan ng kanyang DingDongPH apps.

Muli namang umani ng papuri si Kapuso actor Dingdong Dantes sa mga netizens, at mas lalo pa nga siyang hinangaan ng mga ito, dahil sa kabila ng kanyang kasikatan at pagiging popular na aktor sa industriya ng showbiz, ay nagagawa niya ang maging delivery rider ng kanya mismong sariling negosyo na DingDong PH.




Narito nga ang mga naging komento ng mga netizens;

“How do I look kaya to ensure that Dingdong is the one who actually delivers?”

“Good branding and brilliant PR marketing strategy. Now most will try the App on the off chance that its DingDong himself who will come for the pick-up/delivery.”

“Good Job Dong, he just proved na walang nakakahiya sa ganitong trabaho. Mas piliin ang maging marangal kesa manlamang ng kapwa.”

“Not uncommon. The owner of AirAsia, billionaire Tony Fernandes, was seen delivering food also in motorbike for his new delivery company.”