Sa reyalidad ng buhay, hindi mawawala ang magtiwala sa mga taong malapit sa atin. At sa sobra nating pagtitiwala, ay hindi na natin lubos akalain na gagawan tayo ng masama ng taong ating pinagkakatiwalaan.
Tila nga sunod-sunod ang pagsubok at unos na kinaharap ng pamilya ng broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala bilang si Ka Tunying. Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang pagsubok na pinagdaanan ni Ka Tunying sa pakikipaglaban sa sakit na leukemia ng anak niyang si Zoey.
Ngunit, maliban pala sa sakit na pinagdadaanan ng kanyang anak, ay may isa pang pagsubok na kinaharap ang pamilya ni Ka Tunying. Ito nga ay matapos nakawan ng taong kanyang pinagkakatiwalaan.
Sa panayam sa programang “Magandang Buhay”, ay nagdalawang-isip si Ka Tunying kung dapat ba niyang ibahagi ang pagsubok na kanyang pinagdadaanan ngayon. At mas pinili nga ng broadcaster na isapubliko ito.
Ayon nga kay Ka Tunying, ay nahihirapan na sila kay Zoey sa pagpapagamot pa lang, kaya naman, ang manakawan ng taong pinagkakatiwalaan ay sadyang napakasakit. Ang nakakalungkot na pangyayaring ito nadiskubre nila dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas.
“Isipin mo hirap na hirap kami. Alam mo ‘yung pagpapagamot sa katulad ni Zoey, sa kanyang kondisyon, mabigat ‘yun. Minsan napupuntahan niyo itong Ka Tunying’s nadiskubre namin two weeks o three weeks ago lamang na kami pala ay ninanakawan ng taong pinagkakatiwalaan namin dito sa kompanya.”
Photo credits: Anthony T. Taberna | Instagram
Paglalahad pa nga ng broadcaster, ay hindi birong halaga ang nawala sa kanilang kompanya, dahil ito’y napakalaking pera. Napakasakit naman talaga na ang maliit na kita sa pagtitinda ng tinapay sa bawat araw na mula sa hirap at pagod, ay kukunin lamang ng ibang tao.
“Eh sabi ko napakahirap naman ‘yung ganu’ng sitwasyon at hindi maliit na halaga ‘yung kinuha sa kompanya. Kumbaga kumita ka ng konti sa pagtitinda ng tinapay, iniipon mo ‘yon tapos kukuhain lang ng ibang tao.”
Inamin naman ni Ka Tunying na bagama’t, makikita pang bukas at nasa operasyon pa ito, hindi magtatagal ay mauuwi ito sa pagkalugi dahilan upang magsara ang kompanya dahil sa napakalaking halagang nawala sa kanila.
“Sobrang sakit sa pakiramdam. Kaya ang sitwasyon namin ngayon ‘yung tao ay inihahanda namin ang kaso sa kanya. Tinitingnan din namin ang pananagutan ng bangko. Kasi malaking halaga.”
Bagama’t, masakit ay kailangan niya itong ipagtapat sa manager upang maging handa sa anumang maaaring kahinatnan ng kompanya dahil sa malaking halagang nawala.
“Sabi ko nga, kundi namin mareremedyuhan ngayon ang nangyari, masakit man ipinagtapat ko na sa manager namin na baka ihanda natin ang sarili natin sa pagsasara ng komponya. Sobra kasing laki nung nawala kaya napakahirap ng pangyayari ngayon.”
Kahit nga, ang daming problema at pagsubok ang nararanasan ni Ka Tunying ay malaki naman ang paniniwala niya na malalampasan ito.