Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Ibinahagi ang Masayang Pagdiriwang nila ng ika 19 – Kaarawan ng Kanilang Anak na si Michael Pacquiao

Ang pagdiriwang ng kaarawan ay isa sa mga masasayang yugto ng buhay dahil sa ganoong pagdiriwang bukod sa mga regalong ating natatanggap, nakakasama natin ang ating mga mahal sa buhay.

Kaya ganoon na lamang ang kagalakan ng pangalawang anak ni Senator Manny Pacquiao na si Michael Pacquiao. Siya ay nagdiwang ng kanyang ika-19 na kaarawan noong Disyembre 12.




Ang pagdiriwang ni Michael sa kanyang kaarawan ay hindi tulad ng mga magagarbong selebrasyon. Ito ay napaka simple lamang na paghahanda kasama ang kanyang pamilya. Ayon nga sa isang post ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang mga larawan ng kanilang simpleng pagdiriwang sa kanilang bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Sa isa pang post ni Jinkee ng mga larawan ni Michael, ipinapahayag niya ang pagmamahal niya sa kanyang anak. Ayon sa kanya, isa si Michael sa mga nagbibigay ng dahilan upang ipagmalaki niya ang kanyang mga anak. Si Michael ay isa sa mga anak nilang may takot sa Diyos, mapagmahal, maalaga at maalalahanin na anak sa kanyang pamilya kaya’t ganoon na lamang ang pagmamahal ng mag-asawa sa kanilang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Nagbahagi rin si Michael ng larawan na kasama ang kanyang ama na si Senator Manny. Ayon pa kay Michael ang larawang ito ay sobrang gusto niya, ito ang pinakamasayang kaarawan niya dahil sa larawang ito, makikita ang buong kagalakan sa kanyang mukha dahil nakasama niya ang kanyang ama sa kabila ng maraming nitong gawain sa trabaho.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Ibinahagi rin ni Senator Manny sa kanyang Instagram post, na ginawa niya talaga munang priyoridad ang kaarawan ng kanyang anak dahil sa lahat ng bagay sa mundo ang pamilya ang pinakamahalaga.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakakarami na si Michael ay isang rap artist na kung saan nagkaroon siya ng sarili niyang music album at nagkaroon ng milyong tagahanga sa kanyang orihinal na awitin na inere sa Spotify. Si Michael ay nagpasalamat sa lahat ng kanyang naging tagumpay buhay lalong lalo na sa kanyang mga magulang.

error: Content is protected !!