Ivana Alawi Kasama ang mga Kapatid na sina Mona at Hashim, Pinasaya ang mga Netizens sa kanilang Vlog na 24 Hours English Challenge

Muli na namang napasaya ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi ang kanyang mga tagahanga sa kanyang latest vlog. Mas masaya naman ang vlog ni Ivana sa pagkakataong ito dahil kasama niya ang kanyang mga kapatid na si Mona at Hashim.

Nito ngang ika-27 ng Nobyembre, nang ibahagi ni Ivana sa kanyang Youtube Channel ang vlog na pinangunahan ng kanyang kapatid na si Mona. Ito nga ang vlog na pinamagatang “24 Hours English Challenge”.




Sa nasabing challenge kung saan kalahok ang magkakapatid na sina Ivana, Mona at Hashim, ay bawal silang magsalita ng tagalog sa loob ng 24 oras at tanging English na lenggwahe lamang ang dapat nilang sambitin. Kung sino ang magsasalita ng tagalog ay siyang magkakapuntos, at ang pinakamadaming puntos ang matatalo sa challenge.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Bukod sa masaya ang challenge na nagbigay aliw sa mga manonood, ay maganda rin ang layunin ng nasabing vlog. Ang matatalo kasi sa challenge ay mamamahagi ng Iphone 12 sa kanilang Instagram.

Sa unang video kung saan ay pinangunahan muna ni Mona, ay ginising niya ang kanyang Ate Ivana upang ipaliwanag ang rules ng challenge. Isa na nga rito ang bawal ipaalam sa iba na sumasailalim silang tatlo sa challenge. Kahit pa ang kanilang ina ay hindi ito pwedeng malaman.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa pagsisimula ng challenge ay nagkaroon muna ng agahan ang magkakapatid. At habang masayang kumakain ay salitang English ang kanilang gamit. Ngunit, nagkaroon pa rin ng puntos si Ivana dahil sa mga pagkain na pinangalanan niya ng salitang Filipino.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Tila nagtataka naman ang ina ni Ivana sa ginagawa nilang magkakapatid ngunit nanatiling tikom ang kanilang mga bibig.




Matapos namang kumain ay nagpasya ang magkakapatid na maglaro ng online games na Mobile Legends. At sa pagkakataong ito, ay marami ang puntos na nagawa ni Hashim. Kaya naman, halos magkadikit ang puntos nina Hashim at Ivana sa dami ng mga Tagalog na salitang kanilang nabanggit.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ngunit sa huli ay nahuli si Ivana ni Mona na nakikipag-usap sa kanyang kaibigan sa telepono sa lenggwaheng Tagalog. Kaya naman, hindi mabilang na tagalog words ang nabanggit ni Ivana dahilan upang matalo siya sa challenge.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Tulad nga ng napag-usapan, ay tatanggapin ni Ivana ang anumang consequence na ibibigay sa kanya ng mga netizens. At ang pangakong Iphone 12 ay ibibigay rin ni Ivana sa isa sa kanyang mga tagahanga.

24 HOURS ENGLISH CHALLENGE! | IVANA ALAWI