Ito na ngayon ang matagumpay na buhay ng dating sikat na childstar na si Serena Dalrymple sa Amerika

Bagama’t maraming batang artista noong dekada 90 sa industriya ng showbusiness ang sumikat at lumikha ng sariling pangalan, hindi naman lahat sa kanila ay ipinagpatuloy ang karera sa pag-aartista sa kanilang paglaki. Bagkus, mas pinili nilang lisanin ang mundo ng showbusiness upang mamuhay ng tahimik at magkaroon ng pribadong pamumuhay.


Image courtesy: Serena Dalrymple/Instagram

Isa na nga rito ang makulit at bibong childstar na si Serena Dalrymple. Kung maaalala niyo pa ang bibong bata na gumanap sa pelikulang.

“Bata Bata Paano Ka Ginawa?”, siya na nga si Serena na ating kinagiliwan noon. Maliban rito, tumatak rin sa atin ang linya niyang “Isa pang chicken joy” sa isang komersyal.


Image courtesy: Serena Dalrymple/Instagram

Sino nga ba ang hindi maaaliw sa isang batang gaya ni Serena na talagang napaka-bibo at mahusay umarte sa mga pelikula. Ngunit, nasaan na kaya ngayon ang batang ating kinagiliwan noon?

Ang batang nagbigay ng kaligayahan sa atin noon sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula, matapos ang kanyang matagumpay na karera bilang childstar ay mas pinili na iwan ng mundo ng showbusiness upang ipagpatuloy ang pag-aaral at sa abroad na lamang manirahan.


Image courtesy: Serena Dalrymple/Instagram

Napagpasyahan nga ni Serena ang magtungo sa abroad sa tulong ng kanyang ama mula sa United States Embassy na isang military officer. Sa edad na 14 taong gulang iniwan ni Serena ang showbusiness at nagpasyang tapusin ang pag-aaral ng kolehiyo sa De La Salle-College of St. Benilde. Nang magtungo naman sa abroad kumuha siya ng master’s degree sa Hult International Business School.

Naging matagumpay nga sa buhay ang dating childstar. Bagama’t wala na siya sa industriya ng showbusiness, nananatili pa ring bukas sa publiko ang buhay niya sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.


Image courtesy: Serena Dalrymple/Instagram

At ngayon nga, isa na siyang Manager sa Viacom na ayon sa LinkedIn profile ay isang ‘leading global entertainment content company’ sa Big Apple. Nagsumikap si Serena sa kanyang trabaho kung kaya’t noong 2016 ay na-promote kaagad siya sa kanyang posisyon.

Pagdating naman sa kita ng kompanya, ito ay kasalukuyang pang-anim sa pinakamalaking broadcasting ang cable company sa buong mundo. Maliban sa Comcast, The Walt Disney Company, Time Warner, and CBS Corporation ngunit nangunguna naman sa 21st Century Fox.


Image courtesy: Serena Dalrymple/Instagram

Hindi naman maitatanggi na lumaking napakagandang dalaga si Serena. Kung noon ay cute na cute at bibong bata siya, ngayon naman ay makikita natin ang isang napakagandang dalaga at napaka-professional na ang dating.


Image courtesy: Serena Dalrymple/Instagram

Samantala, makulay naman ang buhay pag-ibig ng dating childstar sa piling ng kanyang boyfriend na isang foreigner. Makikita naman na masaya at nag-eenjoy ang dalawa sa kanilang relasyon bilang magkasintahan.


Image courtesy: Serena Dalrymple/Instagram

Makikita ngayon sa buhay ni Serena ang kaligayahan sa kanyang paninirahan abroad, at walang anumang bakas ng pagsisisi sa desisyon na iwan ang mundo ng showbusiness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *