Ito na ngayon ang masayang buhay ng maganda at fit pa rin na si Keanna Reeves sa edad na 50 years old

Naaalala niyo pa ba ang sikat na aktres at model na si Keanna Reeves, ito na ngayon ang kaniyang buhay bilang isang 50 years old woman. Ang aktres na si Janet Derecho Duterte o mas kilala bilang Keanna Reeves ay ipinanganak noong Setyembre 24, 1970, isang pinay comedian, actress, at model.


Image courtesy: Keanna Reeves/Instagram

Noong Disyembre taong 2004, marami ang napukaw niya ang atensyon matapos kaniyang aminin sa buong bansa na siya ay isang private escort girl. Nagkaroon ng mga kontrobersiya nang kaniyang isiwalat na may iilan sa mga lawmakers ang kaniyang naging kliyente. Ang pagbulgar niya ng impormasyon na ito ang tumulong sa kaniya upang mas makilala sa mundo ng showbusiness.


Image courtesy: Keanna Reeves/Instagram


Image courtesy: Keanna Reeves/Instagram

Bilang isang starlet o paubong pa lamang na artista noon, siya ay nakagawa ng iilan lamang na mga proyekto na movies. Ang aktres na si Keanna Reeves ay may mga proyekto na talagang hindi rin matatawaran ang kaniyang galing lalo na kung ang konsepto nito ay tungkol sa komedya o daring scenes.


Image courtesy: Keanna Reeves/Instagram


Image courtesy: Keanna Reeves/Instagram

Noong taong 2016, nagkaroon din siya ng proyekto sa comedy sitcom na Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz. Lumabas sa ilang mga episodes si Keanna ngunit kinalaunan ay naglaho din ang aktres sa palabas.


Image courtesy: Keanna Reeves/Instagram


Image courtesy: Keanna Reeves/Instagram

Taong 2006 naman nang siya ay mapabilang sa mga 14 na napiling magiging housemate ni Kuya sa reality show na Pinoy Big Brother, unang celebrity edition ng palabas. Naipanalo naman ng aktres ang kompetisyon at nagwagi ng tumataginting na 4 million worth of prizes and cash.


Image courtesy: Keanna Reeves/Instagram

Bilang party ng celebrity series na mayroong maaaring pagpilian na charity ang isa sa mananalo sa naturang palabas na kung saan ang napili ni Keanna ay ang Women’s Right Advocate na Gabriela na kung saan nakatanggap ang partylist ng isang milyon.


Image courtesy: Keanna Reeves/Instagram

Ang buhay ngayon ni Keanna ay masasabi nating masaya at kontento na base sa kaniyang mga post sa Instagram account. Ang kasiyahan at katuwaan na naibigay sa atin noon ni Keanna Reeves ay hindi matatawaran dahil minsan din niya tayong inaliw gamit ang kaniyang talento sa entertainment.


Image courtesy: Keanna Reeves/Instagram

Ang pinanggalingan ng pangalan na Keanna Reeves ay nakuha mula sa hollywood personality na si Keanu Reeves, isang sikat na aktor bilang action star mula abroad. Ayon kay Keanna, siya ang girl version ng Keanu Reeves ng Hollywood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *