Ito na ngayon ang buhay ni Empress Shuck na isang ganap nang matagumpay na negosyante at ina

Maraming artista sa industriya ng showbiz ang hindi nagtatagal sa larangan ng pag-aartista dahil mas pinipili nilang lisanin na lamang ang karera upang mamuhay ng simple at tahimik. Ang ilan nga ay hindi na muling bumalik pa sa showbiz matapos makapag-asawa at bumuo ng pamilya.

Image courtesy: Empress Shuck/Instagram

Katulad na lamang ng napakagandang aktres na si Empress Schuck na talagang hinangaan ng publiko ang angking kagandanhan at natatanging talento sa pag-arte. Ngunit, matapos matagpuan ang pag-ibig sa katauhan ng kanyang nobyo na si Vino Guingona na apo ng dating Vice President of the Philippines na si Teofisto Guingona Jr. at pamangkin naman ng senador na si Teofista Guingona III, ay nagpasya na iwan na lamang ang showbiz.


Image courtesy: Empress Shuck/Instagram

Marami naman sa mga tagahanga ni Empress ang nagulat sa kanyang rebelasyon noong 2015, matapos niyang ibunyag na nagkaanak na sila ng kanyang nobyo at ang munting anghel nga na dumating sa buhay nila ay pinangalanan nilang Athalia.


Image courtesy: Empress Shuck/Instagram

Marami ang nakapansin na kung kailan naman nagkaanak si Empress ay mas lalo itong gumanda. Hindi naman talaga maitatanggi ang angking kagandahan ng aktres na makikita sa mga larawang ibinabahagi niya sa kanyang social media. Mas lalo ngang lumutang ang kagandahan ni Empress ngayon na tila ba masayang-masaya ito sa simpleng buhay niya ng wala sa harap ng kamera.


Image courtesy: Empress Shuck/Instagram


Image courtesy: Empress Shuck/Instagram

Samantala, nilisan man ni Empress ang showbiz ay nananatili naman siyang matagumpay sa tinatahak niyang negosyo ngayon bilang may-ari ng isang milk tea business. Ito nga ang King Cups Blends, na talaga namang napakasarap at higit sa lahat ay kakaiba siya sa lahat ng milk tea dahil ang bersyon ng kanilang milk tea ay mas pinahealthy. Sila lang din ang milk tea shop na naglalagay ng gold flakes sa inumin.


Image courtesy: Empress Shuck/Instagram


Image courtesy: Empress Shuck/Instagram

Namamayagpag nga ang milk tea business ni Empress na ngayon ay may 5 branches na at nalalapit na ring magdiwang ng first anniversary. Samantala, dahil nga talagang masarap at trending sa publiko ang milk tea ni Empress, nais niya at ng kanyang mga business partner na magtayo pa ng mas maraming branch sa bawat sulok ng bansa.


Image courtesy: Empress Shuck/Instagram


Image courtesy: Empress Shuck/Instagram

Iniwan man ni Empress ang larangan ng pag-arte, pinatunayan naman niya na may iba pang paraan upang maging matagumpay sa buhay. Bukod rito, ay masaya siya sa buhay kasama ang kanyang pamilya na nagbibigay kulay at kaligayahan sa buhay niya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *