Noong taong 2020 isa sa mga sikat at popular na all girl groups ay ang Viva Hot Babes kung saan ay kabilang sa mga miyembro nito si Maui Taylor. Si Maui Taylor o Maureen Anne Tupaz sa tunay na buhay, ay ipinanganak noong June 28, 1983 sa Brighton, England.
Image courtesy: Maui Anne Taylor/Instagram
Ilan pa sa nag-gagandahan at nagseseksihan ring mga babae na kabilang sa nasabing grupo ay sina Katya Santos, Gwen Garci, Jaycee Parker at Asia Agcaoili.
Matatandaan na pinasikat ng grupong Viva Hot Babes ang mga kantang “Kikay”, “Basketball”, at “Bulaklak” na talaga namang laging pinapatugtuog noon lalo na pag mga Fiesta sa mga Barangay at minsan pa nga kahit sa mga selebrasyon ng kaarawan ay naririnig ang mga awiting ito.
Image courtesy: Maui Anne Taylor/Instagram
Isa naman si Maui Taylor sa mga miyembro ng Viva Hot Babes na nagkaroon ng pagkakataon na masubok ang kanyang talento sa pag-arte. Matatandaan na kabilang noon si Maui sa pelikulang “S2pidLove”.
Samantala kahit nasa kasikatan noon ng kanyang karera si Maui, ay pinili nito ang umalis sa showbiz ng magdesisyon siyang magpakasal sa kanyang nobyo.
Image courtesy: Maui Anne Taylor/Instagram
Si Maui ay nagpakasal sa kanyang nobyong si Anton Saberre, isang DJ-businesman. Mas pinili rin ng dating seksing aktres na magpokus sa kanyang pamilya hanggang maging fulltime mommy siya sa kanilang dalawang anak na lalaki na sina Antoine Miguel at Matteo Alonzo.
Image courtesy: Maui Anne Taylor/Instagram
Sa isang naging panayam ng Kapamilya Network sa dating actress ay sinabi nito na masaya pala ang maging isang magulang. Ibinahagi rin nito kung ano ang namimiss niya sa showbusiness.
“Masaya maging mommy. Naisip ko nga, bakit kung kailan ako nag-32 tsaka ko lang naisip na maging parent pero masaya naman talaga.’
Image courtesy: Maui Anne Taylor/Instagram
“Nakakamiss sa showbiz is ‘yung araw araw nasa trabaho ka. Pero ngayon na mommy na ako, medyo hindi na siguro kakayanin ang ganun”, saad nga ni Maui.
Hindi rin naiwasan itanong kay Maui sa naging panayam sa kanya, kung may balak pa ba ito bumalik sa showbiz at gumawa ng mga sexy role na ginagawa nito noon. Kung saan ay sinagot naman niya ito ng;
Image courtesy: Maui Anne Taylor/Instagram
“Bawal na ako… pero puwedeng-puwede ako tumanggap ng mommy roles! Wala namang magbabawal. Pinapayagan naman ako kung gusto ko magshowbiz ulit.”
Image courtesy: Maui Anne Taylor/Instagram
Saad nga ni Maui, nais pa rin niya ang muling bumalik sa pag-arte pero hindi na tulad noon na mga sexy role ang kanyang nais gampanan. Mas okey daw kung mga mommy role, mas bagay na siya doon ngayon.
Image courtesy: Maui Anne Taylor/Instagram
Makikita naman sa mga larawan ni Maui na wala pa rin ngang kupas ang angking ganda at kaseksihan na taglay ng dating sexy star.
Masasabi nga ng marami sa atin na napaka-hot pa rin niya bilang isang babae, dahil sa kabila ng pagkakaroon niya ng asawa’t anak at nagawa niyang panatilihin ang magandang korte ng kanyang katawan.