Connect with us

Entertainment

Isang Wais na Ina, Ginamit ang Php2,000 para ikapital sa Negosyo, Ngayon Kumikita na ng Php20,000 sa isang Araw

Sa panahon ngayon, mahirap talagang kumita ng pera lalo pa’t pandemiya. Nariyan ang mga negosyong nagsara dahil nalugi sa kadahilanang wala ng bumibili. Ngunit, lahat ng pagsubok ay nalalampasan. Sa pagsisimula ng isang negosyo kinakailangan ang pamumuhunan upang mapaikot ang kapital. Sa pamamagitan din ng pagsisipag magkakaroon ito ng paglago.




Maraming mga tao ang naging matagumpay sa negosyo dahil sa kanilang kasipagan. Kagaya na lamang ng kwento ng isang ina na nagsimula lamang sa maliit na puhunan hanggang sa lumalago ito sa bawat araw.

Photo credits: Karen Davila / Facebook

Siya ay si Mayette Corcuera, isa siyang tindera. Siya ay mayroong sariling tindahan at nagbebenta ng iba’t ibang uri ng paninda. Pati mga gulay, prutas, karne at kakanin ay binebenta rin niya. Doble kayod ang ginagawa ni Mayette upang matugunan lamang ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Apat ang kanyang mga anak, sa hirap ng buhay ngayon ay talagang sinisikap niyang kumita ng pera.

Photo credits: Karen Davila / Facebook

Nagsimula ang paglalakbay ni Mayette sa negosyo nang siya ay naglalako lamang ng iba’t ibang uri ng produkto. Sa katagalan ay nagdesisyon siya na manghiram muna ng pang puhunan sa kanyang negosyo upang ito ay kanyang palalaguin. Sa kanyang dedikasyon kailanman ay hindi siya sumuko.

Ayon nga kay Mayette, naglalako lang siya noon sa kanilang lugar at nagsimula sa Php2,000 na puhunan na kanya pang hiniram.

Photo credits: Karen Davila / Facebook

Sadyang masipag si Mayette, dahil hindi lang siya naglalako sa kanilang lugar pati na rin sa iba’t ibang pampublikong lugar. Pati ang pagbebenta ng balut sa gabi ay hindi niya pinalampas. Kailanman ay hindi siya nahiyang magbenta ng kanyang paninda kahit saan. Dahil sa ganitong paraan niya binubuhay ang kanyang pamilya.

Photo credits: Karen Davila / Facebook

Dahil sa kanyang kasipagaan unit-unting lumago ang kanyang negosyo mula sa Php2,000 na puhunan ito ay lumago na sa Php20,000 bawat araw.




Kaya’t nung kumikita na siya nagkaroon na siya ng sariling puwesto kung saan andoon na lahat ng kanyang binebenta. Lahat ng kanyang utang ay nabayaran na niya at napag-aral rin niya ang kanyang mga anak sa kolehiyo. Sa mga biyayang natanggap ni Mayette naisipan rin niyang ibahagi ito sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pagkain at face mask sa mga tao.

Photo credits: Karen Davila / Facebook

Ang pagiging matiyaga ay susi sa pagkamit ng kaginhawaan sa buhay. Lakapan lamang ito ng kasipagaan upang maging matagumpay ang anumang naisin sa buhay.

error: Content is protected !!