Stories
Isang Vlogger, Namigay ng Libreng Tv sa mga Taong Nakikita niya sa Kalsada

Ngayong araw ng kapaskuhan, marami ang mga taong namamahagi ng mg regalo. Ngunit dahil sa epekto ng pandemiya, hindi nakalalabas ang mga tao sa kanilang mga bahay upang mamasko lalong-lalo na ang mga bata.
Pero sadyang mabuti ang kapalaran, kasi may mga tao pa rin ang nagbibigay ng biyaya sa kanilang kapwa.
Isa na rito ang vlogger na si Basel Manadil na kilala bilang “The Hungry Syrian Wanderer”, isa siya sa mga kilalang vlogger sa bansa na ang tanging layunin ay ang tumulong sa kapwa. Kung kaya’t marami ang mga nanonood sa kaniyang mga video. Ang kaniyang mga tinutulungan ay yung mga taong kapos talaga sa buhay.
Isa sa mga latest video niya ngayon ang nag-viral, dahil sa namahagi siya ng 32 inch brand new TV sa mga taong kaniyang nakakasalubong sa kalsada. Kaya’t ang kaniyang mga nabahaginan ay lubos na nagulat at natuwa. Ang kaniyang mga nabahiganan ay yung mga taong sa tingin niya ay mas nangangailangan.
Ang pagbabahagi niya nito ay kunwari niyang iiwanan ito doon sa taong pagbibigyan niya na madadaanan niya sa kalsada.
Titigil siya pansamantala at sasabihing pupunta lang siya saglit sa CR o di naman kaya ay sasabihin niyang may kukuha kaya iiwanan niya muna ito. Pagkatapos saka siya babalik agad at sasabihin niya sa taong pinag-iwanan niya ng bagong TV na iyon ay para sa kanila.
Kaya halos hindi makapaniwala ang mga taong nakatanggap nito dahil wala namang tao ang basta-basta na lang namimigay ng bagong TV lalong-lalo na sa mga taong hindi kilala.
Nakakataba ng puso ang pamamahagi ni Basel lalo pa’t ito ay isang flat screen TV. Ang isang delivery rider na kaniyang nabahaginan ay napaiyak na lamang sa sobrang tuwa dahil inakala niyang idedeliver niya lamang ito hindi niya lubos akalain na iyon pala ay para sa kaniya. Ang iba naman ay sobra ang kanilang kasiyahan dahil ito pa lang ang unang beses na magkakaroon sila ng TV sa kanilang mga bahay.
May pandemiya man na maituturing sa panahon ngayon, hindi ito hadlang upang makapaghatid tayo ng tulong sa ating kapwa. Ito ang naging layunin ni Basel sa kaniyang pagvo-vlogg.
