Ang kapaskuhan ay araw ng pabibigyan at pagmamahalan. Mas masarap sa pakiramdam kung marami tayong natutulungan. Nakakataba ng puso na makita ang mga ngiti sa bawat labi kahit sapat na sa kanila ang mabigyan ng kahit konting biyaya.
Kaya ngayong nalalapit na kapaskuhan, maraming mga mabubuting tao ang nagbabahagi ng kanilang mga biyayang natatanggap sa buhay. Lalong lalo na sa mga taong mas higit na nangangailangan.
May isang tindero ng unan ang nabigyan ng maagang pamasko. Siya ay naglalako ng mga ibinibenta niyang unan mula sa Taytay, Rizal City hanggang sa Comembo, Makati City. Kaya natagpuan ng vlogger na Denso Tambyahero ang tiniderong ito. Ayon kay Denso, naghahanap talaga siya ng taong matutulungan ng araw na iyon. Kaya sa kanyang pagmamaneho, nadaan niya ang tinderong naglalako ng mga unan.
Ito ay kanyang kinausap, mababakas sa mukha ng tindero na siya pagod na pagod dahil na rin sa init ng panahon. Ang tinderong ito ay si Oman. Makikita sa kanya na siya ay medyo hindi maayos magsalita. Ayon sa kanya mula sa Taytay Rizal hanggang Comembo Makati ay isa pa lang ang kanyang naibebenta at ang kanyang naging kita ay iyon na rin ang pinambili niya ng pagkain ng araw na iyon.
Dagdag pa niya, halos sa kalsada na lang siya natutulog maubos lamang ang kanyang mga paninda tsaka na lamang siya uuwi sa kanila kapag maibenta niya lahat ang kanyang mga paninda.
Dahil nakikita ng vlogger, na siya ay isang mabuting tao sinabi niya kay kuya Oman na bibigyan niya ito ng regalo. Kaya’t naikwento niya na minsan na siyang naloko ng isa niyang naging kustomer na matandang babae dahil binayaran siya nito ng pekeng 500 pesos.
Dahil sa nangyari labis siyang nalumo dahil kulang ang kanyang benta at siguradong magagalit ang kanyang amo niya. Kaya dahil na rin naawa sa kanya ang vlogger na si Denso, maliban sa binili niyang unan bilang souvenir niya ay binigyan niya ito ng maagang pamasko.
Laking tuwa niya ng binigyan siya ng pinansiyal na regalo upang may pandagdag siya sa kanyang pagkain at nang may maiuwi siyang pera. Dahil sa loob ng 20 na taon na siyang naglalako at kung saan saan na siyang lugar nakarating sa paglalako ay ngayon lamang siya nakatanggap ng malaking biyaya.
Talaga ngang napakabuting tao ni kuya Oman dahil ipamamahagi niya sa kaniyang pamilya ang natanggap nitong pamasko. Dahil magdiriwang ng kaarawan ang anak ng kanyang kapatid.
Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan sa paghahanabuhay ang kanyang pamilya ang kanyang naging inspirasyon upang hindi sumuko sa laban ng buhay.