Stories
Isang Security Guard ang Mapalad na Nakatangap ng Bagong Sasakyan Matapos niya Magbike ng 5 kilometro para lang Maisauli ang Wallet ng Isang Babae

Sa panahon ng pandemiya ngayon, marami ang mga taong naghihikahos sa buhay. Ngunit mahirap man ang buhay may mga tao pa rin ang gumagawa ng kabutihan. Kagaya na lamang ng kwento ng isang security guard na nag-viral dahil sa kaniyang nagawang kabutihan.
Siya ang security guard na si Aina Jose Townsend. Siya ay naka duty ng mga oras na iyon sa Foodland sa isang supermarket sa Kahului, Hawaii. Si Chloe Marino, ang babaeng nakaiwan ng pitaka sa loob ng shopping cart sa tabi ng mall.
Kaya ng matagpuan ito hinintay muna ito na bumalik si Chloe upang makuha ang kaniyang wallet. Ngunit hindi na bumalik si Chloe, kaya nagdesisyon si Aina na mag-boluntaryong maghatid nung naiwang pitaka upang maibalik agad sa may-ari. Dahil may ID sa loob ng pitaka natunton ni Aina ang lugar kung nasaan ang bahay nila Chloe.
Dahil walang kotse si Aina, nagbisikleta na lamang siya papunta sa tinutuluyan ni Chloe. Halos 5km ang layo ng lugar na kaniyang napuntahan at ito ay halos puro paakyat ang daanan. Kaya ng makarating siya sa bahay nila Chloe laking gulat na lamang niya na inihatid sa kaniya ang kaniyang pitaka. Ayon kay Chloe, hindi man lang niya napansin na naiwan pala sa loob ng shopping cart ang kaniyang pitaka. Ayon din sa asawa ni Chloe, marahil pagkakuha ni Chloe ng kaniyang mga pinamili hindi na niya napansin na nawawala ito. Sobra ang pasasalamat ni Chloe kay Aina dahil naibalik sa kaniya na kumpleto ang laman ng kaniyang pitaka.
Dahil sa katapatan ni Aina, napag-isipan ng mag-asawang Chloe at Gray na gantimpalaan siya ng bagong kotse. Kaya nagkaroon sila ng fund raising sa tulong na rin ng kanilang mga kaibigan upang mabilhan ng bagong kotse si Aina.
Si Aina ay nagbibisikleta lamang araw-araw papunta sa kaniyang trabaho sa loob ng 5 taon. Kaya naging inspirasyon sa kanila si Aina na matiyagang pumapasok sa trabaho gamit lamang ang kaniyang bisikleta upang matustusan lamang ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Ang fund raising nila Chloe at Gray ay umabot na sa $ 25, 000 dahil marami ang nagbigay ng donasyon upang mabili nila ang kotse na gusto nila para kay Aina. Kaya bilang gantimpala sa katapatan ni Aina nabilhan siya ng mag-asawa ng sarili niyang bagong kotse na pwede niyang magamit papunta sa kaniyang trabaho o hindi naman kaya sa malalayong lugar na pupuntahan niya na hindi na siya mapapagod sa pagpedal kagaya ng kaniyang bisikleta.
Dahil marami ang humanga sa kaniyang pagiging matapat, marami rin ang tumulong sa kaniya upang magkaroon na siya ng sarili niyang kotse. Lubos na kahanga-hanga ang kaniyang katapatan sa kabila ng hirap ng buhay nanaig pa rin sa kaniya ang kabutihan.
