Isang Pusa Nagbigay Aliw sa mga Netizens Online Dahil sa Kinahiligan Nitong Manguha at Mangolekta ng mga Sapatos na Mula sa Iba’t Ibang mga Bahay

Isang alagang pusa ngayon ang naging agaw-pansin online, at nagbigay aliw sa maraming mga netizens, at ito nga ay dahil sa hilig ng pusang ito ang manguha at mangolekta ng mga isinusuot sa paa, tulad ng sapatos o tsinelas hindi lang sa kanilang kapit bahay, kundi maging sa iba’t ibang mga bahay na milya-milya ang layo mula sa kanila.




Ang pusa ngang ito ay kinilala sa tawag sa kanya ng amo niya bilang si “Jordan”, at makikita nga sa mga larawan online na napakarami ng mga pares ng sapatos at tsinelas, ang nakolekta ng nasabing pusa sa labas ng bahay ng amo niya. At ang mga ito nga ay mula sa kanilang kapit-bahay, at iba pang mga bahay na may kalayuan pa sa bahay ng kanyang amo.

Labis namang ipinagtaka ng amo ni Jordan, kung bakit napakarami ng pares ng mga sapatos o tsinelas ang nadala ni Jordan sa kanilang tahanan. Kaya naman upang malaman, kung saan nakararating ang alagang pusa sa pangunguha at pangongolekta ng mga kasuotan sa paa at upang maisauli na ito sa mga may-ari nito, ay agad niya itong kinabitan ng GPS (Global Positioning System.)

Sa naging pagkakabit nga ng GPS sa pusang si Jordan, ay dito na nalaman ng kanyang amo, na ang ilan sa mga bahay na napupuntahan ng kanyang alagang si Jordan, ay milya milya ang layo mula sa kanila.

Narito nga ang kabuuan ng naging post patungkol sa pusang si “Jordan”, kalakip ang mga larawan nito, na nagpapakita kung paano nito nagagawa ang pangongolekta ng mga kasuotan na pang sapin sa paa.

“This Cat Loves Stealing His Neighbor Shoes So Much, His Owner Even Created a Facebook group to Return Them Imao. After learning about the cat’s secret life, Jordan’s owner BJ Ross put a GPS tracker on him.

According to Jordan’s GPS tracker, this committed burglar maintains a large territory that encompasses multiple visits to houses all over the neighborhood. This could be because Jordan likes to present his owner with complete pairs, but – being a cat – can only carry one shoe at a time. A lesser cat burglar might find this limiting, but not Jordan. Plus he prepares for his nightly misadventures with lots of proactive napping.”

Ayon nga sa naturang post, ay nagagawa ni Jordan na kunin at bitbitin ang mga “footwear”, na nakukuha niya, sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga ito sa kanyang “paws.”

Kaya nman sa ginawang ito ng nasabing pusa, ay laging napapamangha ang amo nito sa tuwing nakakakita ng bagong pares ng sapatos sa labas ng tahanan.

Samantala, sa ginawa namang group ng amo ni Jordan, ay nagpost ito ng;

‘If y’all know my cat Jordan, y’all know he loves to bring me home shoes!”




Makikita naman sa naging pag-track kay Jordan ng kanyang amo sa pamamagitan ng GPS, na milya milaya pala ang kayo ng mga bahay na napupntahan nito upang makakuha lamang ng mga kasuotan pang paa.

Ayon nga sa iba pang mga naging ulat, ay kaya umano ni Jordan ang maglakad ng 7-8 miles kada gabi.

Maliban pa nga sa GPS na ikinabit ng amo, kay Jordan, ay naglagay pa ito ng CCTV camera sa likod ng kanilang bahay, ito ay upang makakuha pa ng sapat na ebidensya sa ginawa ng kanyang alagang pusa.

Gumawa rin ang among ito ng pusa, ng isang Facebook group , kung saan ay maaaring pag-usapan ng mga nasa grupong ito, ang pusang si Jordan, at ang mga bagay na pinag-gagawa nito.