Stories
Isang Mensahe sa Tissue na Iniwan ng Customer ng Isang Kilalang Fast Food Chain, Naghatid ng Lungkot sa mga Crew Nito at Maging sa mga Netizens

Ang mga Fast Food chain, ay isa sa mga paboritong kainan ng maraming mga netizens, kung saan ay karaniwan sa mga taong madalas nating nakikita na kumakain dito, ay isang buo at masayang pamilya na nagdadaos ng okasyon o selebrasyon, o di kaya naman ay mga magkaka-ibigan na masaya lamang na kumakain, tumatambay at nagki-kwentuhan.
Makikita sa mga taong ito, ang bawat ngiti sa kanilang mga labi, na tila sinasabi kung gaano sila kasaya na kasama ang kanilang pamilya o kaibigan habang kumakain ng masarap na pagkain sa Fast Food chain na kanilang madalas puntahan.
Samantala, nitong nakaraan lamang ay isang kwento ang tila nagpabago sa pananaw ng ilan, na sa kabila ng lahat ng kaligayahan at mga ngiti na nakikita natin sa ilang mga tao na kumakain sa Fast Food chain ay ilan sa kanila ay may itinatago ring kalungkutan at pighati sa kanilang buhay.
Ito nga ay matapos ibahagi ng isang crew ng sikat na Fast Food chain na Jolibee na si Mark Noguera, ang isang sulat mula sa kanilang hindi nakikilalang customer, na nakita nila sa isang kapirasong tissue na iniwan nito sa lamesa na kanyang pinagkainan matapos nitong kumain.
Nang mabasa nga ito ng mga crew ng Jolibee, ay talaga namang naghatid ito ng lungkot sa kanila, dahil sa nakasaad sa naturang mensahe ang tila pagpapa-alam na ng customer sa fast food chain.
Ayon nga sa sulat, pinagbabawalan na ang customer ng kanyang doktor na kumain ng mga pagkain sa fast food, dahil sa siya ay napag-alaman na mayroong malubhang karamdaman at ito ay nasa stage 2 na.
Photo credits: google.com / for illustration purpose only
Saad naman ng crew na si Mark, ay tandang tanda niya ang hitsura ng customer nilang ito na nag-iwan ng mensahe sa tissue na kumain sa kanilang branch sa Signal Village, bandang alas-3 ng hapon, kung saan ito ay isang babae, na nasa late 20’s ang edad at nakasuot ng salamin.
Dahil nga sa nakita nilang sulat ng customer, kung saan ay naramdaman nila ang sakit at lungkot na pinagdadaanan nito ngayon, ay nagdasal ang lahat ng staffs at crew ng Fast Food chain, n asana ay maging mabilis ang pag-galing ng kanilang customer.
