Ipinasilip ni Maja Salvador ang kanilang family home na may pangalang Casa Andres

Marami sa mga tagahanga ng mga kilalang artista, ang nagre-request sa mga ito na ipasilip nila sa publiko ang kanilang mga tahanan, kahit pa ito’y sa isang video tour lamang.

Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

Ilan na rin sa mga kilala nating mga aktres ang nagkaroon na ng video house tour sa kanilang tahahan upang mapagbigyan ang request ng kani-kanilang mga tagahanga.

Ngayon nga ay isa muling popular at iniidolong aktres ang magpapasilip ng kanilang “family home”sa kanyang vlog, kung saan ayon sa kanya, ay ito ang isa sa pinanire-request ng kanyang mga tagahanga.


Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

“Ito na po ang isa sa pinakare-request niyong house tour!” saad ni Maja Salvador.

Nito lamang nga ika-21 ng Agosto ay ini-upload ng aktres na si Maja Salvador sa kanyang YouTube channel ang kanyang vlog kung saan ay ipinakita niya sa publiko ang kanilang “family home.”


Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

Ang video house tour na ito ay nilagyan ng aktres ng title na “Welcome to Casa Andres.”

“Itong bahay na ‘to ay ang daming memories. At ang dami na [naging] itsura nito, ilang beses na pinarenovate, ilang beses nang pinagawa. So bigyan ko lang kayo ng idea. Ito yung family house naming, ngayon kasi hindi na ko dito nakatira, pero dahil sa nangyaring lockdown at ECQ ulit, nagdecide ako na magstay na lang muna dito with my brother. Kasi brother ko na lang nakatira dito.” Saad nga ni Maja, habang ipinapakita sa video ang kanilang “family home.”

Dagdag pa ng aktres, sa isang condominium na siya naninirahan, kaya naman bihira na siya umuwi sa kanilang “family home”, kung saan nga ay ang kanyang kuya na lamang ang nakatira.


Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

Unang ipinakita ng aktres sa video tour ang mini garden ng Casa Andres, kung saan ay may makikita ritong griller na ayon sa kanya ay ini-regalo niya ito sa kanyang kuya. Ibinahagi rin ng aktres sa kanyang mga followers ang ilang mga safety protocols na ginagawa nila sa kanilang tahanan, sa kabila ng pagkakaroon ng krisis sa bansa.

Sa naging pagpapasilip rin ni Maja sa kanilang family home, ay nakasama niya sa kanyang vlog ang isa sa kanyang mga kaibigan at mismong naging interior designer ng kanilang tahanan na si Miah Gomez.


Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

Ayon nga sa dalawang magkaibigan, ang tahanan na ito nina Maja ay isang tahanan na mayroong modern tropical theme, kaya naman talagang kaaya-aya at napaka-aliwalas nito.


Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

Nagpatuloy ang aktres sa pagbabahagi ng ilan pang parte ng tahanan, tulad ng kitchen, dining room, at ang lanai-turned-gym na mayroong sauna.


Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

Ipinakita rin ng aktres ang kanilang napakagandang living room, kung saan ayon sa kanya ito ang isa sa mga paborito niyang parte ng kanilang tahanan dahil sa pagkakaroon nito ng high ceilings.


Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

Ang ipinakita pa nga lang ni Maja sa kanyang vlog, ay ang unang palapag ng Casa Andres, at ayon sa aktres ay saka na niya ipapakita ang pangalawang palapag nito kapag umabot na ang kanyang mga subscribers sa 1 milyon.

Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

“Gusto ko man kayong umakyat, pero ‘wag muna. ‘Pag nag 1 million na tayo, ‘yan promise ko sa inyo, aakyat na kayo sa aming bahay,” ani Maja bago tuluyang tapusin ang video house tour.


Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

Sa ngayon ay may 945,000 na mga subscribers na ang aktres sa kanyang YouTube channel, kaya naman siguradong hindi magtatagal ay maipapasilip na nito ang ikalawang palapag ng Casa Andres na talaga namang aabangan ng marami niyang mga tagahanga.


Image courtesy: Maja Salvador/Youtube Channel

Si Maja Salvador, ay isa sa mga popular na artista ng Kapamilya network, magaling sumayaw at umarte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *