G Toengi, Ibinahagi ang Kaniyang Dahilan Kung Bakit Niya Nga Ba Nilisan Ang Kanyang Namamayagpag Na Career Sa Showbiz Noon

Noong taong 90’s ay maraming mga kilalang artista ang talaga namang sumikat sa industriya ng showbusiness, at isa na nga rito si G Toengi. Kung ikaw ay isang batang 90’s, isa ka marahil sa mga nakakakilala at nakasaksi sa kanyang galing at talento sa pag-arte bilang isang artista o di kaya naman ay naging isa ka rin sa mga tagahanga niya.


Image courtesy: G. Toengi/Instagram

Maituturing din na isa ang dating aktres sa mga naging popular at sikat na aktres sa Pilipinas noong taong 90’s, siya rin ay isa mga maituturing na may magandang mukha noon sa industriya. Ilan nga sa mga hindi malilimutang pelikula na ginawa at kinabilangan ni G Toengi ay ang Aryana, Istokwa at Luksong Tinik.


Image courtesy: G. Toengi/Instagram

Hindi nga maitatanggi na isa sa mga namayagpag ang bituin noon sa industriya ng showbusiness, ay ang karera ni Giselle Toengi.
Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan noon at umaarangkadang karera bilang isang mahusay na aktres ay bigla na lamang nawala sa industriya si G Toengi, at ito ay naging katanungan, lalo na sa kanyang mga tagahanga.


Image courtesy: G. Toengi/Instagram

Halos 20-taon na rin ang lumipas mula nang bigla na lamang mawala sa industriya ng showbusiness ang dating aktres at ngayon nga ay matapang na inilantad ni G Toengi, kung ano ba ang naging dahilan niya, upang magdesisyon siyang na bitiwan ang kanyang namamayagpag na karera noon at tuluyang lisanin ang showbusiness.

Sa isang videocall interview ng Kapuso Network talkshow, ay napanayam ng host na si Vanessa del Moral ang dating aktres, at dito na nga naibahagi ni G Toengi ang kaniyang naging dahilan kung bakit niya iniwan ang kanyang karera noon sa showbusiness.


Image courtesy: G. Toengi/Instagram

“90’s ‘it girl, dire-diretso, tuloy-tuloy ang project. Sobrang sikat na sikat. Why leave and stop showbiz? isa sa mga naging tanong ni Vanessa.


Image courtesy: G. Toengi/Instagram

Narito naman ang naging kasagutan ng dating aktres.

“That’s a hard question Vaness because I didn’t understand it 20 years ago when I left. But now when I’m older I understand that there were things that just didn’t feel right.”


Image courtesy: G. Toengi/Instagram

“Ang ibig sabihin lang nun, maski sikat ka, may trabaho ka, pag alam mo na hindi yon yung mga bagay na nafu-fulfill sayo… it wasn’t material, it wasn’t superficial. It was I didn’t understand the disparity in the Philippines on why ang daming naghihirap tapos ang daming umaalis ng bansa”, dagdag pa nga ni G Toengi.


Image courtesy: G. Toengi/Instagram

Ayon pa sa aktres, ay maraming mga bagay ang nangyari sa kanyang buhay noon, kung kaya’t nauwi ang kanyang desisyon sa tuluyang paglayo sa showbiz, ilan sa mga ito ay ang pagkalawa ng kanyang ina at ang pagiging single mom niya.


Image courtesy: G. Toengi/Instagram

Pahayag rin ni G Toengi, may panghihinayang siya sa mga naging desisyon niya noon, ngunit hindi umano ang mga materyal na bagay ang mahalaga sa buhay.


Image courtesy: G. Toengi/Instagram

Hindi naman mapigilan ng host na si Vanessa ang mapaiyak sa naging panayam nito sa dating aktres, dahil sa kabila ng mga pinagdaanan nito sa buhay ay kahanga-hanga ang katatagan , katapangan at lakas ng loob nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *