Ina Raymundo, ibinahagi ang loob ng kaniyang tahanan na puno ng mga halaman at magandang Christmas tree

Dahil sa pandemyang kinakaharap at nararanasan ng bansa, maraming mga Pilipino ang namahinga muna sa kanilang mga trabaho. Ngunit sa ngayon ay may mga artista na bumalik na sa kanilang mga trabaho upang tapusin at ipagpapatuloy ang kanilang mga naudlot na proyekto.


Image courtesy: Ina Raymundo/Instagram

Pero para sa iba, na hindi pa makakabalik sa kanilang naturang trabaho ay namalagi nalang sa kanilang mga tahanan at bigyan ang kanilang mga sarili ng mga bagay na pagkakaabalahan. Kaya naman nauso ang mga “Plantito at Plantita”.


Image courtesy: Ina Raymundo/Instagram

Sa bawat panig ng mundo ay may mga nakaangkop na klase ng mga halamang tumutubo at nabubuhay. Bilang mga mahilig mag-alaga ng mga halaman ay marami silang isinasaalang-alang sa pagpapatubo at pagtatanim ng mga ito. Kaya naman, lubos ang atensyon, pag-aalaga at pagmamahal ang kanilang ibinibigay para mabuhay at lumago ang mga nasabing halaman.


Image courtesy: Ina Raymundo/Instagram

Kaya naman, ang sikat at kilalang aktres na si Ina Raymundo ay hindi nagdalawang-isip sa pagtatanim at paghahalaman ibaling ang kanilang mga oras habang nasa bahay.


Image courtesy: Ina Raymundo/Instagram

Dahil dito, hindi lang sa larangan ng pag-arte kilala si Ina Raymundo dahil ngayon ay binansagan na siyang isa sa mga plantita ng ipasilip niya ang kaniyang ma-lagubat na loob ng bahay.


Image courtesy: Ina Raymundo/Instagram

Makikita namang nagmistulang indoor garden ang kaniyang loob ng bahay na makikita sa mga larawan at video na kaniyang ibinahagi.

Nagbigay din ng tips ang aktres kung bakit malulusog at malago ang kaniyang halaman, at dahil umano ito sa ginagamit niyang ‘Oil Moisture Meter’ na kung saan ay may malaking naitutulong dahil ito ang nagiging palantadaan niya para matukoy at malaman kung kailangan na bang diligan ang mga ito.


Image courtesy: Ina Raymundo/Instagram

Sinabi pa ng aktres, na hindi basta-basta ang pagdidilig ng mga halaman, kasi bawat halaman ay may oras o araw ng pagdidilig na para bang mga boss.


Image courtesy: Ina Raymundo/Instagram

Dahil dito ay maraming mga netizens ang namangha at nagbabalak na ring mag-alaga ng mga halaman at mapabilang sa hanay ng pagiging isang plantito at plantita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *