Idol Raffy Tulfo, Proud na Ipinakilala sa Publiko ang Ang Una Niyang Apo sa Kanyang Anak na si Maricel

Masaya at may pagmamalaking ipinakilala sa publiko ng sikat na broadcast journalist na si Raffy Tulfo ang kanyang unang apo. Ito nga si Baby Grayson Maxwell Tulfo-Tungol na anak ng kanyang anak na si Maricel at asawa nitong si Atty. Garreth Tungol.




Ayon sa ulat ng Kami, sa isang episode ng programang Idol in Action, ay hiniling ng proud lolo na si Lolo Raffy na masilayan ang kanyang apo na si Baby Grayson, habang kausap ang ina nitong si Maricel on-air sa kanilang programa. Hindi nga maitago ang saya at pagkasabik ni Idol Raffy nang masilayan ang apo na kung saan ay karga-karga ng ama nitong si Atty. Garreth.

Makikita na masarap at mahimbing ang tulog ng bagong ligong si Baby Grayson, at wala itong kamalay-malay kung gaano kasaya ang kanyang Lolo Raffy habang pinagmamasdan ang maamo nitong mukha. Proud na ipinakita ni Idol Raffy ang kanyang napakacute na apo sa kanyang milyon-milyong manonood.

“Paglaki mo, matutuwa ka ‘pag nakita mo ito,”pahayag ni Idol Raffy.

Dagdag pa ng certified lolo, ay nagmana raw sa kanya ang kanyang apo na sadyang napakacute.

“Ang cute, super cute, manang-mana sa akin!”,proud na sambit nito.

Hindi nga maikakaila na mahal na mahal ni Idol Raffy ang kanyang apo, na talaga namang labis niyang ipinagmamalaki sa publiko.

Samantala, ang bagong biyayang nagbibigay saya at kulay sa buhay ngayon ng mag-asawang Maricel at Atty. Garreth, na si Baby Grayson ay isinilang noong ika-28 ng Nobyembre sa ganap na ika-1:36 ng hapon.

Ibinahagi naman ni Maricel sa kanyang vlog ang mga detalye ng pagsilang sa panganay na anak nila ng asawang si Atty. Garreth. Ayon nga kay Maricel, ay si Baby Grayson ang best Christmas gift na kanilang natanggap ngayong pasko.




Naibahagi rin ni Maricel na ang nais niya sana ay maipanganak ng normal ang anak, ngunit sa huli ay nauwi sa C-section ang pagsilang niya sa panganay nilang anak.

Nahirapan man sa panganganak, ay mas mahalaga naman na ligtas at naging matagumpay ang operasyong isinagawa sa kanilang mag-ina. Labis nga ang pasasalamat ni Maricel dahil malusog at ligtas niyang naisilang si Baby Grayson.

Samantala, nang mapanood ng mga tagahanga ni Idol Raffy ang naturang episode ng programa, ay ganun na lamang ang paghanga at tuwa ng mga ito sa napakacute na si Baby Grayson.

Maging ang naging reaksyon ng certified lolo na ngayong si Raffy na proud na proud sa kanyang apo ay kinagiliwan rin. Kaya naman, inulan ng positibong komento ang comment section ng naturang video sa Youtube Channel ng programang Tulfo in Action.