Sabi nga sa kasabihan, hindi porket matanda ka na, hindi mo na magagawa ang ninanais mo o gusto mong gawin sa buhay, hindi porket matanda kana, ay hanggang diyan ka nalang sa kung ano ka at hindi kana uusad.
Image courtesy: Wowowin/Youtube Channel
Lahat tayo may gustong marating sa buhay, may kaniya-kaniyang inspirasyon para magawa at makamit natin ang ating mga pangarap. Huwag kang mainggit sa kapwa mo kung sila ay mas naunang umangat at umasenso sayo. Dahil ang pag-asenso at pag-angat sa buhay ay hindi paunahan, bawat tao ay may kaniya-kaniyang oras para makuha at makamit ang pinapangarap, samahan mo lang ng sipag at tiyaga at panalangin.
Image courtesy: Wowowin/Youtube Channel
Katulad na lamang ni Wilfredo Buendia Revillame o mas kilala sa tawag na Willie Revillame, 59 na taong gulang at isang sikat na host ng tv show na pinamagatang Wowowin, ay hindi ito naging hadlang upang siya ay maging isang ganap na lisensyadong piloto. Nakakaproud diba?
Image courtesy: Willie Revillame/Instagram
Kaya naman makikita sa video kung paano niya matagumpay na namaniobra ang helicopter. Dahil dito ay masaya niyang ipinakita ang iba’t ibang klase ng kaniyang IDs, tulad ng inisyu ng Aviation Medical Certificate at Aviation Authority of the Philippines.
Image courtesy: Willie Revillame/Instagram
Ang kagustuhang matutong magpalipad ng helikopter ay para sa makataong dahilan. Katulad na lamang ng paglipad papuntang Catanduanes kasama ng iba pang piloto upang mamahagi ng mga relief goods.
Pinasalamatan niya ang mga taong naging parte ng kanyang tagumpay, magmula sa kaniyang mga naging mentor at sa lahat ng mga pilotong tumulong at nagturo sa kaniyang magpalipad ng helicopter.
Image courtesy: Wowowin/Youtube Channel
Si Willie Revillame ay isang kilala at sikat na komedyante at tv host. Ang kaniyang pinakasikat na palabas ay ang “Tutok to Win”. Kilala siya ng maraming Pilipino dahil sa kaniyang pagiging matulungin.
Image courtesy: Willie Revillame/Instagram
Makikita mo naman ito sa kaniyang show, na kung saan ay hindi siya nagdadalwang isip na mamahagi ng pera sa mga tao at mas pipiliin niyang bahaginan yung mga taong mas nangangailangan.