Ibinahagi ni Valerie Concepcion ang mga naging karanasan bilang isang single mom sa edad na 16

Sa takbo ng buhay ng bawat tao, hindi natin maiiwasan ang maranasan ang mga pagsubok na maaari nating makaharap. Ngunit ika nga, walang thrill ang buhay natin kung hindi tayo makakaranas ng kahit anong pagsubok.

At walang pagsubok na hindi natin kayang malagpasan. Ito lamang ay isa sa mga sangkap kung paano natin pasasarapin at haharapin ang ating buhay. Katulad na lamang ng aktres na si Valerie Concepcion na sa dami ng kinaharap na pagsubok sa buhay ay natutong bumangon at lumaban.

Naging sawi at nasaktan man pagdating sa pag-ibig ay hindi sumuko, sa halip ay ginamit niya ito para harapin at lumaban sa takbo ng buhay.

Sa umagang programa ng Kapamilya network na pinamagatang “Magandang Buhay” ay ibinahagi ni Valerie na sa murang edad na 16 ay nabuntis siya, pero gayunpaman ay naging responsible siya na ina sa kanyang anak at naging matured sa pag-iisip.

Hinadlangan ng kaniyang magulang ang kanilang pagmamahalan ng kanyang nobyo na nakabuntis sa kanya sa kadahilanang napakabata pa nga talaga ni Valerie. Sa kasawiang palad, nabale-wala ang kaniyang paghihintay na babalikan pa siya ng taong minahal niya.

Ngunit hindi sumuko si Valerie sa halip ay lumaban siya, naghanap siya ng trabaho hindi lamang para sa kaniya kundi para sa magiging anak niya. Sa kaniyang pinagdaanan ay hindi Nawala sa kaniyang tabi ang kaniyang mga magulang para alalayan siyang mabuhay at mamuhay bilang isang batang ina.

Si Heather Fiona ang anak ni Valerie na hindi man lang nasilayan ang ama ngunit napakaswerteng bata naman sa kaniyang ina. Hindi man pinalad sa unang naging karelasyon, sa ngayon ay masaya na siyang engaged sa kaniyang long distance relastionship at non-showbiz na kasintahan na si Francis Sunga, na nagtatrabaho bilang isang court clerk sa Guam.

Kamakailan lamang ay masayang ipinagmalaki ni Valerie ang prenup video and sooner or later lahat ng kaniyang mga problemang pinagdaanan ay mapapalitan ng kasiyahan. Kaya naman noong Disyembre 28 nito lamang nakaraang taon ay ikinasal sina Valerie at francis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *